Magka-batch na aktor patigasan ng mukha sa kakuriputan

By Cristy Fermin June 24,2018
share this

Magka-batch na aktor patigasan ng mukha sa kakuriputan

By Cristy Fermin June 24,2018
share this

NAKU, hindi naman pala isang male personality lang ang pinagpipistahan sa kuwentuhan kapag kakuriputan na ang paksa, dalawa pala sila, at magka-batch pa!

Mas madalas lang kasing nauungkat ang kakuringan ni Actor A, pero kung tutuusin, meron pang isang aktor na kaliga niya na tatawagin nating si Actor B.

Magkasabayan silang pumasok sa pag-aartista, pinagsabong pa nga sila nu’ng kanilang kapanahunan, pero nandiyan pa rin sila hanggang ngayon.

Kuwento ng aming source, “Hindi na pinagtatakahan ng marami ang kakuriputan ni Actor A, ‘yun na siya talaga, dahil kahit naman nu’ng namamayagpag pa ang name niya, e, super-kuring na talaga siya.

“Kuwento nga ng mga fans niya, kapag nagpupunta raw sila sa house ng idol nila, kahit tubig lang, e, walang isine-serve sa kanila. Pero naghahanap ng pasalubong ang idol nila, ha?
Magaling tumanggap, pero kahit softdrinks lang, walang napapala ang mga nagpapasalubong na fans sa kanya.

“Kahit ngayon, ganu’n pa rin siya, natutulog siya sa tent kapag nag-aambagan na sa pangmeryenda nila ang mga co-stars niya. Pero pagdating ng food, nakikisalo naman siya na para bang nag-chip in din siya sa pambili.

“Inuyat talaga ang male personality na ‘yun, hindi pinagbago ng matagal niyang pagtira sa ibang bansa ang kakuriputan niya. Mas naging kuripot pa nga siya!” kuwento ng aming impormante.

Hindi nagkakalayo ang pagiging kuring nila ni Actor A na hirap na hirap maglabas ng datung sa kanyang bulsa. Magaling din sa paghawak ng pananalapi si Actor B. Hindi rin uso sa kanya ang pakikisama.

Chika naman ng isang source na matagal na nakasama ni Actor B, “Ay, mailalaban namin siya kay Actor A kung pagiging kuripot ang pag-uusapan. Grabe rin sa pagiging kuring ang lolo n’yo! Pati nga ang sarili niyang pamilya, ginaganu’n niya!

“Kapag kumakain sila sa labas, e, siya ang umoorder ng food para na sa kanilang lahat. Bawal sa kanya ang individual order, pang-every all na kung umorder siya.

“Sayang lang daw kasi dahil may natitira, kaya para sa kanilang mag-anak na ang inoorder niyang ulam na iilang putahe lang naman, tasadung-tasado ang mag-anak niya!

“Magandang magsama ang dalawang ‘yun! Gutom ang aabutin n’yo kapag sila ang nagsama, tiisan ang peg nila, talagang walang maglalabas ng datung! Magka-batch sila, ha?” humahalakhak pang kuwento ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, may letter A sa name ni Actor B, may Y naman sa pangalan ni Actor A. Getlak n’yo na?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending