Alamin: Bakit biglang na-turn off si Kris kay Binoe nang magsimba sila sa Manaoag?

By Cristy Fermin June 24,2018
share this

Alamin: Bakit biglang na-turn off si Kris kay Binoe nang magsimba sila sa Manaoag?

By Cristy Fermin June 24,2018
share this

ALAM namin ang panlasa ni Kris Aquino pagdating sa mga kalalakihan. Ang unang-una niyang kinikilatis kapag meron siyang nakikilalang lalaki ay ang mga kuko nito sa kamay.

Ang kanyang katwiran, kung marurumi na ang fingernails ng lalaki ay paano pa ang mga kuko nito sa paa na nakatago, di mas marumi ‘yun?

Ayaw rin niya sa lalaking mahilig sa boots pero nasira siya kay Robin Padilla na walang ibang sapatos kundi boots lang. Panandalian lang ang naging relasyon nila ng action star dahil nang magsimba sila sa Manaoag ay hindi nakapagpigil si Robin sa pagpapalabas ng masamang hangin.

Dahil du’n ay ayaw na niya kay Robin, “He fart in my presence, ayoko na!” nagrereklamo pang sabi ni Kris sa kanyang mga kasama.

Kahit sa malayuan ay ramdam ni Kris na malinis at mabango si Alden Richards. Na totoo naman dahil kung manamit at pumorma ang Pambansang Bae ay parang palagi itong pupunta sa binyagan.

Hindi mo matitiyempuhan ang singer-actor na marumi ang katawan, parang bagong ligo palagi ang Pambansang Bae, kaya gustung-gusto ito ni Kris.

Kung magkikita nga sila at maaamoy ni Kris si Alden ay lalo na. Bawat tao raw ay may karapatan paminsan-minsan na maging marumi at may amoy, pero iba si Alden Richards, palaging malinis ito sa katawan at napakabango kahit sa malayuan pa lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending