Karla nag-post ng family photo ni Bistek, kinuyog ng netizens | Bandera

Karla nag-post ng family photo ni Bistek, kinuyog ng netizens

Alex Brosas |June 23,2018
facebook
share this

Karla nag-post ng family photo ni Bistek, kinuyog ng netizens

Alex Brosas - June 23, 2018 - 12:35 AM

KALOKA ang bashers ni Karla Estrada, binigyan ng kahulugan ang post niya ng bakasyon ni Herbert Bautista kasama ang dalawang anak at partner na si Tates Gana.

Kung anu-ano ang pinagsasabi nila kay Karla, buti na lang may nagtanggol sa TV host-actress.

One netizen said, “Guys kalma lang po. Si Tates Gana na nanay ng mga anak ni Herbert ay kaibigan na ni Karla kahit noong di pa sikat si Daniel Padilla. Noong walang wala silang pera. Si Tates ang tumutulong sa pamilya ni Karla noong walang makain mga anak niya.

“Alam naman po ninyong single mom siya sa 4 niyang mga anak. At walang karir. Pero si Tates tinulungan siya even sa pagpapaaral ng mga anak niya. Kaya walang masama magpost regarding sa kasiyahan ng isang ina na makasama ang kanilang ama sa isang bakasyon.

“Si Kris Aquino, oo fan din ako. Kaso mali yung ganyan sasabihin niyo sa taong di niyo naman alam ang buhay. Ako man di ko alam buong pagkatao nila pero yun ang alam ko.

“At alam kong totoo. Ang alam lang ninyo ay yung natulungan siya ni Kris kasi nakikita niyo sa TV. Pero noong walang ibang tumutulong sa kanya anjan si Tates. Di niyo lang nakita kasi di naman showbiz.

“At magkaibigan talaga pamilya nila. So stop bashing. Mag research muna po tayo. Explain ko lang para sa di nakakaalam.”

“Best friend kasi ni Karla si Tates Gana. Palagi nya nga sinasabi sa interviews nya na noong hirap na hirap sila, si Tates ang palaging tumutulong sa kanila. Kaya ang loyalty nya na kay Tates,” another guy explained.

Wala naman kaming nakikitang masama kung i-post man ni Karla ang vacation photos ni Tates.

Na-happy siguro si Karla dahil nakita niyang buo ang pamilya ng kanyang kaibigan at wala namang masama doon. Wala naman siyang hindi magandang sinabi sa caption.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending