Pagkatao ng Pinoy Junior MasterChef contestant ninakaw ng fan

June 23,2018
share this

Pagkatao ng Pinoy Junior MasterChef contestant ninakaw ng fan

June 23,2018
share this

ILALAHAD sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ang mga peligrong maaaring idulot ng internet sa pamamagitan ng kwento ni Caitlin, isang dalagang ninakawan ng pagkatao ng isang tagahanga.

Magmula nang makilala bilang contestant sa Junior MasterChef Pinoy Edition, lumaki ang fanbase ni Caitlin (gagampanan ni Michelle Vito) dahil na rin sa kanyang Facebook page na pinamamahalaan ng kanyang inang si Vivian (Rufa Mae Quinto).

Naging kaibigan ni Caitlin ang isang fan, si Charles (Kokoy de Santos), na unti-unti niyang naging ka-close at buong loob namang pinagkatiwalaan ni Vivian.

Magbabago ang lahat nang nalaman ng mag-ina na ninakaw pala ni Charles ang pagkatao ni Caitlin upang mapaibig ang isa pang binatang tagahanga, at ginamit ang mukha ng dalaga para sa kanilang dalawang taong relasyon.

Ano kaya ang ginawa ng mag-ina para mabawi ang katauhan ni Caitlin?

Kasama rin sa episode na ito sina Krystal Mejes, Xia Vigor, Ashley Sarmiento, AC Bonifacio, Kazel Kinouchi at Kyle Velino.

Ang episode na ito ay sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat nina Akeem Jordan del Rosario at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda dela Cerna.

Panoorin ang ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending