Suot na alahas ni Kris sa presscon ng ‘I Love You Hater’ kapresyo ng 3-bedroom condo sa Rockwell

By Ambet Nabus June 21,2018
share this

Suot na alahas ni Kris sa presscon ng ‘I Love You Hater’ kapresyo ng 3-bedroom condo sa Rockwell

By Ambet Nabus June 21,2018
share this

NAGMISTULANG talk show ni Kris Aquino ang grand presscon ng latest movie niyang “I Love You, Hater” under Star Cinema.

Kris was literally in every item, kahit pa ang mga tanong ay nakasentro sa co-stars niyang sina Joshua Garcia at Julia Barretto o sa direktor nilang si Giselle Andres.

Well, siya naman talaga ang dahilan kung bakit maraming naghintay at nakitambay sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kung saan ginanap ang presscon ng kanyang comeback movie.

Aliw na aliw ang audience sa bawat kuda at chika ni Kris mula sa naunsiyaming relasyon nila ni Mayor Herbert Bautista, kay Bimby na inirereto niya nang todo kay Julia dahil in love na raw ang bagets sa dalaga, hanggang sa pagpili niya kay Alden Richards over Joshua Garcia, bukod pa sa paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang 53 product and services endorsements.

Sabi nga nila, only Kris can do it!

And yes, dumating din siya sa point na kahit ang pagbandera ng kanyang seksing look ngayon ay ginawa niya to spite “HB” (ang kumpare na-ming si Mayor Bistek) by saying, “Hashtag Mayor, this is what you’re missing.”

Hindi lang isa o dalawang beses niyang pinatutsadahan si Bistek na may konek pa rin sa kanilang past love affair kabilang na ang ilang beses daw na pagdedenay sa kanya ni Mayor HB. Wala na talagang tatalo pa kay Kris pagdating sa pagpo-promote at pagma-market sa kanyang sarili.

q q q

Nagmistula ring game show ang presscon ng kanyang pelikula dahil sa sandamakmak na raffle prizes na ipinamigay niya sa entertainment media and bloggers.

No doubt, she is a very good game show host dahil hindi lugi sa kanya ang kanyang sponsors at product endorsements.

When our name was drawn as PLDT Home Best Buy Bundle winner (take note dapat ipagdiinang worth P41,000 yun), she said, “Ay dati hindi niya ako like, pero baka this time i-like na niya ako dahil win siya!” And then she called my name and said, “O, mare, nanalo ka.”

Sa totoo lang, mas na-appreciate kong tinawag niya akong “mare” dahil since we became “co-godparents” to more than a dozen kids sa aming common friends from both showbiz and sports world, noon ko lang narinig uli sa kanya na tawagin niya akong “mare.”

Sa dinami-dami ng mga quotable quotes and anecdotes ni Kris during the presscon, mahihirapan kang maghanap ng anggulo para sa column mo! Ha-hahahaha!

At dahil gusto naming makatulong sa promo ng “I Love You, Hater” sa paniniwalang isa na naman itong obra from Star Cinema at big fan din naman kami ng JoshLia, isu-super like namin ang mga paandar at emote ni Mareng Kris! Ha-hahaha! Isa ka nga sa mga taong nakilala, nakasama, at nakatrabaho namin na masarap i-hate at i-love. O, di ba mars?

q q q

Isa pang ikina-shock ng members of the press at ng kanyang fans na present sa ginanap na mediacon ay ang pagbandera sa presyo ng kanyang OOTD (outfit of the day).

“Gumastos ako for this kasi kung aapak ka naman at babalik sa ABS-CBN, make sure na ang suot mo, alam nila. Limited edition, 20th anniversary Roland Mouret po yung pants (P120K), Balmain yung blazer na suot (P150K). Alaia yung shoes (P64K).”

Dagdag pa niya, “Yung alahas na sinuot, makakabili ng condo, three bedrooms sa Rockwell (more or less P30).” Ang tinutukoy ni Kris ay ang suot niyang Cartier watch and bangles at iba pang bracelet na tadtad ng diamante. Bukod pa ‘yan sa suot niyang five diamond and pearl rings at diamond earrings.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending