'Ayoko na kay JC Santos, ang sama niya! Napakawalanghiya niya sa Probinsyano!' | Bandera

‘Ayoko na kay JC Santos, ang sama niya! Napakawalanghiya niya sa Probinsyano!’

Cristy Fermin |June 21,2018
facebook
share this

‘Ayoko na kay JC Santos, ang sama niya! Napakawalanghiya niya sa Probinsyano!’

Cristy Fermin - June 21, 2018 - 12:10 AM

NAPAKALAKI talaga ng nagiging epekto ng ginagampanang papel ng isang personalidad sa isang serye o pelikula. Madalas na hindi ‘yun naihihiwalay sa totoong buhay ng manonood.

Maraming humahanga nu’n kay JC Santos, totoo naman kasing punumpuno ng kapasidad ang aktor na hininog ng entablado ang talento, kaya niyang bigyan ng hustisya ang bawat role na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Pero mukhang naapektuhan ng papel na ginagampanan niya sa Ang Probinsyano si JC Santos dahil ang dami-daming nabubuwisit sa kanya nga-yon bilang si Marco Cab-rera na anak ng vice-president na ginagampanan naman ni Edu Manzano.

Unang reaksiyon na tinanggap namin, “Ayoko na kay JC! Sobrang sama ng papel niya sa Ang Probinsyano, inaagaw niya si Alyanna kay Cardo Da-lisay! Napakawalanghiya ng role niya, pati ang pamilya ni Cardo, e, sinusugod niya at inaaway!”

Isang patunay ‘yun na magaling na aktor si JC Santos dahil naaapektuhan ang manonood ng serye, ibig sabihi’y nakapagdedeliber siya bilang isang kontrabida, kaya nga lang ay maraming nagagalit sa kanya.

Sabi pa ng kaibigan naming propesor, “Pero maganda ang ganyan para kay JC, pambida-kontrabida siya, bibihira lang ang artistang kinakagat sa magkaparehong role.

“Kapag nagwawala na si JC Santos sa mga eksena niya sa serye, e, ang sarap-sarap imadyinin na inuupakan siya ni Cardo Dalisay! Ang sama-sama niya kasi!” tawa nang tawang komento ni prop.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending