Quest vs John Roa sa Sarap Diva fliptop battle

June 21,2018
share this

Quest vs John Roa sa Sarap Diva fliptop battle

June 21,2018
share this

HUMANDA sa magaganap na bonggang rap battle sa favorite tambayan n’yo tuwing Sabado ng umaga, ang Sarap Diva sa GMA 7.

Pagsasabungin ng Asia’s Songbird na si Regine Velasauez ang dalawa sa magagaling at panglabang rapper ng bansa – sina Quest at John Roa!

Joining them are two of the best stand-up comedian in the country, ang funny and witty na si Donita Nose at ang palabang si Iyah Mina!

Expect a lot of intense but fun fliptop battle kasama ang apat na special visitors ni Regine sa kanyang bahay.

Magsasanib-pwersa rin sina Donita Nose at John Roa sa Sarap Diva kitchen para i-share ang kanilang special dish na Ginataang Liempo with a twist.

Kaya huwag na huwag kayong aabsent ngayong Sabado ng umaga bago mag-Eat Bulaga sa Sarap Diva dahil marami pang inihandang sorpresa ang buong tropa ng nag-iisang Songbird.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending