Marian, Dingdong hihirit pa ng 3 baby; posible raw maglaban sa MMFF 2018 | Bandera

Marian, Dingdong hihirit pa ng 3 baby; posible raw maglaban sa MMFF 2018

Ervin Santiago |June 20,2018
facebook
share this

Marian, Dingdong hihirit pa ng 3 baby; posible raw maglaban sa MMFF 2018

Ervin Santiago - June 20, 2018 - 12:05 AM

ISANG taon na ang top-rating GMA Public Affairs weekly drama anthology na Tadhana hosted by Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

At para sa 1st anniversary offering ng programa na tumatalakay sa buhay ng ating magigiting na mga OFW, mismong si Marian ang bibida sa espesyal na episode na mapapanood ngayong Sabado, June 23.

Kahapon sa presscon ng Tadhana, inamin ni Marian na hindi nila in-expect na tatagal ng isang taon ang programa, originally kasi ay isang season lamang ito ngunit dahil sa mataas na rating every week at sa mga positibong pagtanggap ng mga manonood sa buong mundo, ay na-extend nga ito nang na-extend.

“Nagpapasalamat kami na patuloy na sinusubaybayan ng viewers ang aming episodes tuwing Sabado. Ako mismo nai-inspire tuwing mababasa ko ang script ng bawat episode at nakakataba ng puso na isang taon na tayong nagbibigay ng leksyon at inspirasyon sa ating mga kababayang OFW.
“Ito’y para magsilbi na ring paalala sa kanila na laging mag-ingat sa pag-a-apply ng trabaho sa ibang bansa at magkaroon ng katuparan ang pangarap nila sa buhay. Sa ating mga makabagong bayaning OFW, saludo po kami sa inyong pagsisikap para maitaguyod ang inyong mga mahal sa buhay,” ani Marian.

At para maging espesyal nga ang anniversary episode ng Tadhana, pumayag si Marian na siya ang bumida sa kuwento ng ni Jackie – isang OFW sa Bahrain na isinakripisyo ang lahat para mabigyan ng ma-gandang kinabukasan ang kanyang pamilya.

Lingid sa kaalaman ng kanyang mga anak at asawang maysakit, napakalupit pala ng mga amo ni Jackie – itinuring siyang parang preso ng mga ito. Ngunit ang mas masaklap pa, nang makabalik siya sa Pilipinas, nalaman niyang hindi pala natatanggap ng kanyang pamilya ang lahat ng perang i-pinadadala niya mula sa Bahrain. Bukod pa riyan, halos isumpa na rin siya ng kanyang mga anak sa pag-aakalang pinabayaan na niya ang mga ito.

Samantala, mas magiging espesyal pa ang anniversary episode ng ng Tadhana dahil ang mister mismo ni Marian na si Dingdong Dantes ang nagdirek nito.

Ayon kay Marian, totoong ayaw sana ni Dingdong na idirek siya sa nasabing episode ng Tadhana pero napapayag din ang aktor at tinanggap ang challenge. Sabi nga ni Dong, “No regrets dahil napakagandang experience nito para sa aming mag-asawa. I saw a different kind of actress, a different kind of Marian. Mas na-appreciate ko siya bilang artista, bilang tao at bilang nanay after this project.”
Mapapanood na ang anniversary special ng Tadhana ngayong darating na Sabado, June 23 sa GMA

7 pagkatapos ng Contessa. Makakasama rin ni Marian dito sina Jackielou Blanco, Emilio Garcia at Lotlot de Leon.

q q q

Ibinalita rin ni Marian na hinahanda na rin ang bago niyang teleserye sa GMA. Pero aniya, mauuna muna ang soap ni Dingdong base na rin sa napagkasunduan nila ng ma-nagement.

Kaya kung matutuloy ito, baka maglaban sila sa filmfest ni Dingdong na balitang gagawa naman ng movie with Vice Ganda.

Pero sey ni Marian, sakaling mabuntis siya sa second baby nila ni Dong, ito ang magiging priority niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung siya raw ang masusunod, gusto niyang makatatlo pa silang anak ng kanyang asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending