Horoscope, June 20, 2018 | Bandera

Horoscope, June 20, 2018

Madam Sophia |June 20,2018
facebook
share this

Horoscope, June 20, 2018

Madam Sophia - June 20, 2018 - 12:09 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Isa lang ang solusyon upang umunlad–lakas ng loob. Ang mga ipinanganak sa petsang 20 ay mahina ang loob, pero kapag lumakas ang loob at tumapang, ang lahat ng tagumpay sa materyal at ligaya sa pag-ibig ay mapapa sa kanya nang walang kahirap-hirap. Mapalad ang 2, 7, 20, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om.” Blue at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Hindi lalago ang kabuhayan kung lagi sa iyong may umaasa. Lumayo muna sa sinilangang bayan. Sa malayong lugar ay mas mabilis kang yayaman. Sa pag-ibig, sa malayong lugar mo rin matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Red at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Kung hindi mo tatapusin ang mga nakabinbing gawain ay matatabunan ka na naman ng mga deadline. Wag kukupad-kupad. Lie low muna sa minamahal. Ang mga bagay na may kaugnayan sa career at pera ang unang atupagin at pahalagahan. Mapalad ang 7, 11, 19, 20, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Pink at green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kahit umuulan, umpisahan mong palaguin nang palaguin ang kabuhayan upang yumaman. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipagrelasyon sa isang Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Huwag haluan ng awa at emosyon ang mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaperahan upang hindi ka malugi. Ito ang araw na kailangang magpakatuso ka at maging materyoso. Sa pag-ibig, okay na karelasyon ang isang Scorpio. Mapalad ang 7, 16, 26, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Silver at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Lahat naman ng tao ay may utang, on nga lamang ang iba habang ang iba ay nakakaahon pa. Makaaahon ka rin sa mga pagkakautang sa tulong ng isang Aries. Sa pag-ibig, sa isang Sagittarius makadarama ng true love. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Wag maging mapaglaro lalo na sa pag-ibig baka ikaw naman ang laruin ng kapalaran. Maging tapat sa minamahal. Sa pinansyal, maging totoo at maging malambing sa mga kliyente upang tuloy-tuloy kang umunlad at yumaman. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Magiging masaya at maunlad ang araw na ito kung maglalagay ng kurtinang may disenyong bulaklak at mga halaman na kulay pink o pula. Sa nasabing disenyo, mas lalong dadami ang suwerte at dating ang mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.”

Scorpio – (October 24 – November 21)—Kahit panay ang buhos ng ulan ay hindi ka dapat tamarin. Lalo mo pang pag-ibayuhin at pasiglahin ang kalakal na may kaugnayan sa payong, salbabida, bangka, tsinelas, kapote, at iba pang produktong pang-tag-ulan. Suwerte ka sa tubig at dyan ka yayaman. Mapalad ang 2, 7, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Dosya-Om.” Green at silver ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa kawalang ingat at padalos-dalos na diskarte ay darating ang malaking problema. Sa pag-ibig, may isang imoral na relasyong masisimulan – layuan mo agad. Sa pinansyal, isipin munang mabuti bago maglabas ng pera dahil tulad nang dati ay may babala na madenggoy ka na naman ng isang nagbabait-baitan na kaibigan. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansyal, maging maluwag sa mga tauhan upang hindi ka nila kamuhian. Sa pag-ibig, mahalin pang lalo ang matiising kasuyo upang lalo kayong umunlad at yumaman. Mapalad ang 7, 16, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Gayatri-Om.” Beige at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa pag-ibig, muling titibok ang puso sa biglaang pagkikita ng dati mong crush. Sa pinansiyal, may mag-aalok ng bagong pagkakakitaan–sunggaban mo agad. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. “Aum-Bhanah-Bhanah-Aum.” Green at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Wag ikalungkot kung papaubos na ang pera dahil sa susunod na buwan ng Hulyo ay kusa uling madadagdagan ang income. Tandaan na “weather-weather lang ‘yan.” Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipagrelasyon sa kasuyong Scorpio. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending