Mariel balik-It’s Showtime matapos magpakananay | Bandera

Mariel balik-It’s Showtime matapos magpakananay

Cristy Fermin |June 19,2018
facebook
share this

Mariel balik-It’s Showtime matapos magpakananay

Cristy Fermin - June 19, 2018 - 12:20 AM

PAGKATAPOS nang mahabang panahon ay balik-trabaho na si Mariel Rodriguez. Inuna lang muna niyang alagaan-palakihin ang kanilang anak ni Robin Padilla bago siya sumalang uli sa telebisyon.

Magandang karagdagan sa It’s Showtime si Mariel, nahasa na siya nang husto bilang co-host nu’n ni Willie Revillame, kayang makipagsabayan ng TV host kina Vice Ganda, Anne Curtis at iba pang mga hosts ng noontime show.

Wala rin siyang kapaguran, buhay na buhay siyang mag-host, magaling ding makipagsabayan sa mga biruan at tuksuhan si Mariel.

Kahanga-hanga si Mariel dahil isinakripisyo niya ang kanyang career para personal na alagaan ang kanilang anak ni Robin. Masuwerteng bata dahil ang mga unang panahon ng buhay nito ay mismong ina ang nag-alaga sa kanya.

Ang ibang personalidad na nanganak ay hindi na halos nagpahinga, ipinaubaya na lang sa yaya ang pag-aalaga sa kanilang mga anak, ‘yun ang pinanindigan ni Mariel nang ipanganak niya si Isabella. Siya mismo ang kailangang magsakripisyo sa pagpapalaki sa kanyang anak.

Mas masaya pa ngayon ang noontime show ng ABS-CBN, may kabatuhan na ng mga jokes si Vice Ganda, may karelyebo na si Anne Curtis kapag may trabaho ito sa ibang bansa.

Maligayang pagbabalik, Mariel!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending