Young actor mabilis magalit at mapikon, manang-mana sa kapamilyang celebrity | Bandera

Young actor mabilis magalit at mapikon, manang-mana sa kapamilyang celebrity

Cristy Fermin |June 19,2018
facebook
share this

Young actor mabilis magalit at mapikon, manang-mana sa kapamilyang celebrity

Cristy Fermin - June 19, 2018 - 12:15 AM

MARAMING katrabaho ng isang young actor ang nagpapatotoo kung gaano kabilis uminit ang kanyang ulo. Kapos kuno sa pasensiya ang young actor, konting bagay lang ay puwede na niyang ipagwala, ganu’n ang imahe niya sa kanyang mga katrabaho.

May mga pagkakataong nale-late pala sa kanyang trabaho ang young actor, pero sa halip na magpakumbaba dahil siya na nga ang mali, siya pa ang may ganang sumimangot na parang okey lang ang kanyang ginawa.

“Sabi nga ng mga nakakasama niya, e, mana raw siya sa kanyang pinagmanahan. May kadugo kasing artista rin si young actor, mainitin din ang ulo, madaling magalit! Siyang-siya raw ‘yun, dahil konting bagay lang, e, agad na siyang nagtataas ng boses at nagagalit.

“Kaya hirap ding makisama sa kanya ang mga co-stars niya, parang naninimbang sila sa guy, dahil baka nga naman nang dahil lang sa simpleng bagay, e, makaaway pa nila,” simulang chika ng aming source.

Mahilig ding makipagbarkada ang young actor, hindi pa man nangangalahati ang kanyang mga ginagawang sequences sa isang serye ay palagi na niyang kausap ang kanyang mga kabarkada para sa pupuntahan nila pagkatapos ng trabaho niya, nagpaplano na sila agad.

Patuloy ng aming source, “Kaya parang inip na inip siya sa taping, tanong siya nang tanong kung ilang sequences pa ang gagawin niya, kasi nga, may lakad pa sila ng mga kaibigan niya.

“Mahilig siyang mag-bar hopping, talagang nomo kung nomo ang drama nilang magkakaibigan, kaya lapitin siya ng gulo. Kung mainit na ang ulo niya nang hindi pa siya nakakargahan ng alak, e, di lalo na kapag nakainom na siya?

“Kaya ‘yung mga kuwentong kinasasangkutan niya, ‘yung mga gulo na siya ang itinuturong nagsimula, e, may katotohanan. Kilala kasi siya sa pagiging pikon, mainitin ang ulo, kaya madali siyang madamay sa kaguluhan.

“Sabi siguro niya, e, wala namang problema, nand’yan naman ang madir niyang madyoray na handang magtanggol sa kanya! Kaya okey lang na madamay siya sa mga gulo, may magdedepensa naman sa kanya!

“Napakadaling hulaan kung sino ang bida sa kuwento, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio. Fresh na fresh pa ang kuwento!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending