Sayang na relasyon: Away-bati na showbiz couple tuluyan nang naghiwalay | Bandera

Sayang na relasyon: Away-bati na showbiz couple tuluyan nang naghiwalay

Cristy Fermin |June 18,2018
facebook
share this

Sayang na relasyon: Away-bati na showbiz couple tuluyan nang naghiwalay

Cristy Fermin - June 18, 2018 - 12:15 AM

MARAMING kuwentong nakapaloob sa sinasabing paghihiwalay ng isang magkarelasyong artista nang matagal nang panahon. Away-bati ang kanilang samahan pero ayon sa malalapit sa kanila, ngayon ay malinaw na sa kanila ang lahat, kailangan na nilang maghiwalay.

Sayang na sayang ang mahabang panahong pinagsaluhan nila, pareho silang nagsakripisyo para lang maitawid ang kanilang relas-yon, pero sa wala rin pala ‘yun mauuwi.

Kuwento ng isang source na nakakuwentuhan namin, “Pagkainip ang unang reason. Napakatagal na kasi silang naghihintay sa tamang panahon para magpakasal na sila, pero may nakaharang na dahilan, ilang taon na nilang hinihintay ‘yun!

“Hindi nila magawa-gawa ang gusto nila dahil nga sa nakaharang na dahilang ‘yun. Hindi libre ang girl, may kailangang ayusin sa part niya, pero napakatagal na ng i-pinaghihintay nila.

“Siyempre naman, gusto nang magbuo ng sarili niyang pamilya ang guy, ‘yun ang matagal na niyang pangarap, pero hindi nga ‘yun mangyayari kung ganyan na may legal reason na pumipigil sa kanila.

“Kumikilos naman ang girl, pero hindi pa rin nagaganap ang matagal na nilang inaabangan, kaya siguro nagkainipan na sila,” simpleng chika ng aming impormante.

Sayang na sayang ang kanilang pagmamahalan, tanggap na sila ng kani-kanilang pamilya, wala nang problema. Tanggap na rin ng aktor at ng aktres ang kanilang nakaraan.

“Isang relasyon ang sa kanila na kahanga-hanga. Nagbibigayan sila, naiintindihan nila ang trabaho ng bawat isa, hindi hadlang ang sobrang busy schedule nila para sa isang healthy relationship.

“Pero wala nga namang mangyayari kung palagi na lang silang naghihintay sa wala. Napakatagal na panahon na ang ipinaghihintay nila, baka hanggang sa tumanda na kasi sila, e, nasa waiting stage pa rin sila.

“Pero malay naman natin, baka kahit pa maghiwalay sila ngayon, e, sila pa rin ang pagtagpuin ng kapalaran sa bandang huli, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakakapanghinayang lang ang ganu’ng klase ng relasyon, lahat na ng pagsasakripisyo, e, nagawa na nila, pero wala pa ring nangyari. Sayang na sayang talaga, nakapanghihinayang ang relasyon nila na sa wala rin nauwi,” sabi pa ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sinu-sino sila?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending