Hugot ni Vice sa throwback photo ni Karla: Di pa ako nakakaluwag diyan, ngayon ang luwag-luwag ko na! | Bandera

Hugot ni Vice sa throwback photo ni Karla: Di pa ako nakakaluwag diyan, ngayon ang luwag-luwag ko na!

Ervin Santiago |June 17,2018
facebook
share this

Hugot ni Vice sa throwback photo ni Karla: Di pa ako nakakaluwag diyan, ngayon ang luwag-luwag ko na!

Ervin Santiago - June 17, 2018 - 01:20 AM

KARLA ESTRADA AT VICE GANDA NOON AT NGAYON

NAGING emosyonal si Karla Estrada nang balikan niya ang buhay nila noon ng kanyang BFF na si Vice Ganda.
Nag-post ang TV host-actress ng “then and now” photo nila ni Vice kung saan kitang-kita ang pagbabago sa kanilang mga itsura makalipas ang halos isang dekada. Isang video rin nila ni Vice na kuha sa isang episode ng Magandang Buhay ang ibinahagi ng nanay ni Daniel Padilla sa kanyang mga social media followers.

Caption ni Karla sa kanilang Instagram photo, “Pag true friends talaga, kahit anong mangyari, lumipas man ang panahon, buo pa rin ang pagkakaibigan at samahan! Sarap panoorin ng video na ito kasi naaalala ko paano nagsimula friendship namin ni Vice!”

Nag-comment naman ang Unkabogable Star sa post ni Karla, aniya, “I love you before and forever!!!” Sa throwback photo naman nilang magkaibigan ay ito ang comment ni Vice, “Di pako nakakaluwag luwag diyan!
Ngayon ang luwag luwag ko na!!!”

Sa panayam ng Magandang Buhay, sinabi ni Vice na nag-start ang friendship nila ni Karla noong nagtatrabaho pa siya sa mga comedy bar.

“Matagal nang nabuo (friendship), sa comedy bars ko pa lang, kasi nagpupunta sila palagi. Kahit tapos na yung operation, dahil hanggang alas-tres lang naman kami, hindi sila umuuwi agad.

“Nandoon pa sila, nag-iinuman pa sila, kumakanta pa sila. Siyempre kaming mga host doon sa ano, imbyerna na kami, ‘Ano ba naman itong mga ‘to, antok na antok na yung mga bakla, hindi makauwi.’ Pero hindi kami makakaarte kasi bigay sila nang bigay ng pera sa amin.

“Papakantahin nila kami nang papakantahin, pero pag-uwi namin, marami kaming pera. Mabait siya. Mahal niya talaga ‘yung mga bakla. Bibigyan niya talaga ng pera ang mga bakla,” kuwento pa ni Vice.

Ayon naman kay Karla, isang kaibigan ng TV host-comedian na naging friend na rin niya ang lagi niyang kasama noon sa comedy bar kung saan nagpe-perform si Vice, “Nagulat siya na kaibigan ko na ‘to (Vice) kasi panood nga ako nang panood, tuwang-tuwa nga ako diyan.”

Hirit naman ni Vice, “Laruan nila ako dati.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending