Dingdong: Madali namang magpaka-cool Dad, pero... | Bandera

Dingdong: Madali namang magpaka-cool Dad, pero…

Ervin Santiago |June 17,2018
facebook
share this

Dingdong: Madali namang magpaka-cool Dad, pero…

Ervin Santiago - June 17, 2018 - 12:25 AM

DINGDONG DANTES AT ZIA

HAPPY Father’s Day sa lahat ng mga tatay sa buong universe, lalo na sa mga ama na ginagawa ang lahat at handang magsakripisyo para sa kanilang pamilya.

Bilang bahagi ng selebrasyon ng mahalagang araw na ito para sa mga tatay, tinanong namin ang ilang paborito n’yong celebrity daddy kung ano ang pinaka-challenging na bahagi ng pagiging ama.

Para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang biggest challenge sa kanya ay kung paano mababalanse ang mga bagay-bagay sa paligid ni Zia habang lumalaki ang bagets.

Gusto raw kasi niya na maipaintindi sa bata habang maaga ang kahalagahan ng balanced life para malaman nito kung kailan ang tamang oras sa mga importanteng bagay sa buhay.

“Yun nga ‘yung mahalaga eh, ‘yung balanse. Kasi parang madali namang magpaka-cool dad. Pero minsan may mga mako-compromise ka na mga values tsaka mga rules ba na essential sa kanyang paglaki,” ani Dong.

Dagdag pa niya, “It’s really finding that balance kung kailan ang laro, kung kailan ang panahon para matuto at kailan ‘yung mag-enjoy.”

DREW ARELLANO AT PRIMO

Drew: Nagiging madali ang pagiging tatay dahil sa mga nanay!

Samantala, para naman sa Kapuso TV host na si Drew Arellano mas nagiging madali ang pagiging tatay niya kay Primo dahil na rin sa tulong ng kanyang misis na si Iya Villania.

“Sinusubukan kong maging kasing galing ng tatay ko kasi para sa akin siya ang talaga ang best father. At nakita ko yun at na-experience habang lumalaki ako. There are so many challenges sa pagiging tatay.

“But I think that those obstacles and challenges become easier because the mother is there. So for me it’s not only about fathers kundi para na rin sa mga nanay na umaalalay sa aming mga tatay,” pahayag pa ng host ng Biyahe Ni Drew sa GMA News TV at Home Foodie #Madalicious sa GMA after Unang Hirit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending