Rayver Cruz lilipat sa GMA 7, papatayin na sa Bagani | Bandera

Rayver Cruz lilipat sa GMA 7, papatayin na sa Bagani

Reggee Bonoan |June 17,2018
facebook
share this

Rayver Cruz lilipat sa GMA 7, papatayin na sa Bagani

Reggee Bonoan - June 17, 2018 - 12:10 AM

RAYVER CRUZ AT JANINE GUTIERREZ

NAGING praktikal lang marahil si Rayver Cruz kaya nagdesisyon na siyang lumipat sa GMA 7.

Bukod sa umiiyak ang langit dahil sa habagat nitong Biyernes ay teary-eyed naman ang mga handler at road manager sa Star Magic nang malamang aalis na si Rayver sa ABS-CBN.

Pormal nang nagpaalam ang aktor kina ABS-CBN Chief Operation Officer Cory Vidanes, ABS-CBN Entertainment Production Head Laurenti Dyogi, kay Star Magic head na si Mr. M (Johnny Manahan) at kay Mariolle Alberto.

Sinubukang pigilan nina tita Cory at direk Lauren si Rayver dahil wala naman silang naging problema sa aktor simula nu’ng magtrabaho siya sa network 17 years ago.

Pero nanindigan ang aktor na kailangan niyang mag-move on dahil nagkakaedad na rin siya at kailangan na niyang mag-ipon.

Pinayuhan daw ng mga bossing ng ABS-CBN na tapusin muna ni Rayver ang karakter niya sa Bagani bilang si Kidlat pero hindi sila nasagot ng aktor dahil hanggang Agosto pa ito at baka kailangan na rin niyang magsimula sa bago niyang serye sa GMA 7.

Ayon sa handler ni Rayver na si Luz Bagalacsa, “Nakakalungkot mare, 17 years kong alaga si Rayver, panganay ko ‘yan, eh. Ni minsan hindi ako binigyan ng problema o sakit ng ulo. Sobrang bait na bata kaya naiiyak ako.

“E, wala naman akong magagawa kasi ang paalam niya bread winner siya, kailangan niyang mag-ipon para rin sa future niya. Mag-aasawa na kasi si Rodjun Cruz (next year), so technically solo na niya. Maganda raw ang offer sa kanya sa kabila kaya wala kaming magawa maski na pinigilan namin,” ayon sa amin source.

Nang malaman ng mga TV executive ng ABS-CBN ang pag-alis ni Rayver ay iisa lang ang naging pahayag nila – sobra silang nanghihinayang sa aktor.

“Napaka-professional, walang reklamo hindi pasaway, sobrang bait at magaling na artista,” sabi ng isang nakausap namin.

Isa pang nakausap naming executive, “I just hope lang na i-sustain ng GMA. Ang daming lumipat na sa simula lang maganda pero di naman sinustain. Siyempre happy ako kay Rayver. Sobrang bait ng bata at talented.

“Baka lang kase maging Martin del Rosario at saka ‘yung isa na dating PBB (Matt Evans). Well, okay lang naman kung talagang para sa magandang kita dahil kaya nga siya nagtrabaho. Pero ‘yung reach ng ABS kasi worldwide,” sabi pa sa amin.

Sabi namin, ilang taon din namang naging masunurin at loyal na talent si Rayver ng ABS-CBN pero wala namang nangyari dahil hindi naman siya naalagaan nang husto at hindi rin nabibigyan ng pelikula kaya siguro naisipan na rin niyang umalis maski na masakit sa kanya.

Tanda nga namin noong tinanong namin si Rayver kung lilipat siya ng GMA ay panay pa ang iling niya dahil hangga’t maaari ay ayaw niyang iwan ang kanyang mother network at hoping pa rin siyang mabibigyan ng magandang projects sa ABS-CBN, pero siguro naramdaman na ng aktor na walang nangyayari sa paghihintay niya at hindi na siya bumabata.

Nang mag-post kami sa aming Facebook account tungkol sa pag-alis ni Rayver sa Kapamilya station ay iisa ang tanong ng mga nakabasa, “Paano na ang Bagani at sino na ang bagong manager niya?”
May nagsabi rin na mami-miss nila ang aktor sa mga programa ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang netizens naman ang na-excite dahil posible nang makatrabaho ni Rayver ang nali-link sa kanyang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending