Angelica na-bad trip sa basher: Ano'ng ginawa ko? Yung totoo, please explain!? | Bandera

Angelica na-bad trip sa basher: Ano’ng ginawa ko? Yung totoo, please explain!?

|June 16,2018
facebook
share this

Angelica na-bad trip sa basher: Ano’ng ginawa ko? Yung totoo, please explain!?

- June 16, 2018 - 12:01 AM

NA-BAD trip si Angelica Panganiban sa isang netizen na pinaniniwalaang supporter ng isang baguhang loveteam na napapanood sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Kung anu-ano kasing malilisyosong mensahe ang ipino-post nito laban kay Angelica na nag-ugat sa isang cryptic post ng aktres sa Instagram patungkol sa pagkawala ng kanyang kalayaan kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

May kinalaman daw ito sa pagkastigo kay Angelica ng ilang bossing ng ABS-CBN matapos magbigay ng pahayag tungkol sa mga loveteam na nanloloko ng publiko. Feeling ng bashers ni Angelica, ang sinusuportahan nilang loveteam ang kanyang pinatatamaan.

Narito ang resbak ng Kapamilya actress sa hater na may handle name na @lianramos7, “Anong ginawa ko? Yung totoo? Please. Explain mo naman. Gusto kong malaman anong ginawa ko. Gusto kitang maintindihan eh. Magaling talaga kong artista. Yun alam ko yun.

“Yung posts ko, anong sinasabi mo? May alam ka? Kilala mo? Kailangan sure ka ha. Kasi pag mali ka, nakakahiya yun,” sey ng dalaga.

Sumagot naman ang netizen sa buwelta ni Angelica na inalmahan uli ng aktres, “@lianramos7 ang boring ng reply. Walang challenge. O siya na! Ingat ka te! Pero nako ha… feeling ko kasi mami miss niyo ko kapag nanahimik ako eh.

“Sure ka dyan ha? Sige. Nakakahiya pala asta ko. Sige, mag iisip din ako ng bagong hobby. Hanep nakakatawa kayo. Wala kayong idea sa ginagawa ninyo. Na excite tuloy ako sa mga gagawin ko. May mga bagay talaga na nangyayari para mas lalo akong makapag desisyon.

“Ngayon malinaw na sakin ang isasagot ko sa network. As in. Sorry ah? Sorry kung kailangan kong gawin yun. Pero, ikaw kasi eh. Tsk tsk tsk,” pahayag pa ni Angelica.

Samantala, sa kabila nito, may pampa-good vibes pa rin si Angelica para sa mga fans nila ni Carlo Aquino. Kinilig ang mga CarGel supporters sa photo na ipinost ng aktres sa Instagram kamakailan.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Reunited and it feels so good.” Kaya naman ang tanong ng netizens ay kung nagkabalikan na nga ba sila?

Ayon naman sa ilang IG followers ni Angelica, para raw ito sa reunion movie nila ni Carlo na balitang isang romantic comedy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending