Anak ng kontrobersyal na female celeb ayaw ipagkalat ang tunay na pagkatao | Bandera

Anak ng kontrobersyal na female celeb ayaw ipagkalat ang tunay na pagkatao

Cristy Fermin |June 16,2018
facebook
share this

Anak ng kontrobersyal na female celeb ayaw ipagkalat ang tunay na pagkatao

Cristy Fermin - June 16, 2018 - 12:15 AM

AYON sa aming source ay madaling intindihin kung bakit hanggang ngayon ay may bitbit pa ring matinding sama ng loob sa isang dating sumikat na aktres ang kanyang mga anak.

Para na silang puzzle na nagkawatak-watak, may kani-kanyang buhay na sila ngayon, walang komunikasyon at hindi nagkakaalaman kung ano na ang nangyayari sa kanila.

Kuwento ng aming source, “Nagtatrabaho ang anak ni ____ (pangalang ng dating sumikat na aktres na naglaho ang ningning ng bituin dahil sa kapalaluan) ngayon sa isang malaking opisina.

“Masipag ‘yung bata, mapangarap, masikap at marespeto sa mga katrabaho niya. Hindi niya sinasabing anak siya ng nanay niya, kapag may nagtatanong sa kanya kung nanay niya ang in fairness, e, sumikat namang aktres, hindi siya kumikibo.

“Hindi naman kasi niya tinatago ang katotohanan, naging controversial ang buhay ng mommy niya nu’n, damay silang magkapatid, kaya siguradong may makakaalam sa pinagtatrabahuhan niya na siya ang anak na ‘yun!

“Basta, ayaw niyang kumalat sa work place niya na anak siya ng sumikat na girl, wala lang, wala siyang sinasabing dahilan kung bakit, basta lang!” umpisang chika ng aming impormante.

Pinagpistahan ng buong bayan ang matinding away nilang mag-ina nu’n, nagpainterbyu kasi on national television ang bagets laban sa kanyang ina, matitinding rebelasyon ang nalantad tungkol sa mga pinaggagagawa ng aktres.

“May magandang posisyon na ngayon sa office na pinagtatrabahuhan niya ‘yung anak ng controversial actress. Narating niya ‘yun nang hindi ginagamit ang pangalan ng nanay niya, sariling pagsisikap niya ‘yun.

“Nata-touch nga ang mga officemates niya sa pagiging low key niya. Nagbabaon siya ng lunch, hindi siya kumakain sa labas, alam mong pinahahalagahan niya ang kinikita niya.

“Nakakatuwa ang nangyari sa kanya, instead na magrebelde siya dahil sa nangyari sa buhay nila, e, nagsikap talaga siya. Alam niya kasi na ang buhay, e, mapaghamon, pansamantala lang ang lahat ng mga biyaya. In short, life is not always a bed of roses, right?” pagtatapos nga aming source.

Aysus, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang clue, kilalang-kilala n’yo na kung sinu-sino sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending