'Sa wakas, makalipas ang maraming taon nauntog din sa katotohanan si Claudine!' | Bandera

‘Sa wakas, makalipas ang maraming taon nauntog din sa katotohanan si Claudine!’

Cristy Fermin |June 16,2018
facebook
share this

‘Sa wakas, makalipas ang maraming taon nauntog din sa katotohanan si Claudine!’

Cristy Fermin - June 16, 2018 - 12:10 AM

NANINIWALA na kaming nagseseryoso na si Claudine Barretto sa pagbabalik sa mundong mahal niya at nagbigay sa kanya ng magandang kapalaran. Madalas siyang makita-makasama ngayon ng mga anak ng aming mga kaibigan sa gym.

Chika pa ng aming kaibigan, “Ilang beses na palang nagbabayad sa gym na ‘yun si Claudine, pero nasasayang lang, dahil hindi naman siya nagpupunta. Minsan-makalawa lang siyang nagpapakita du’n, pagkatapos, e, wala na!

“Sayang naman ang ipinambabayad niya, mahal ang fee sa gym na ‘yun dahil very exclusive. Pero this time, e, regular na talaga siyang nagdyi-gym, kita n’yo naman ang resulta ng pagsasakripisyo niya, di ba?

“Ang laki-laki ng naibagsak niyang timbang, saka maganda ang pagpayat niya, hindi pilit. Nakuha niya ‘yun sa pagtitiyaga,” kuwento ng aming kausap.

Maraming salamat naman at pagkatapos nang ilang taon ay nauntog na rin sa katotohanan si Claudine Barretto na sayang na sayang ang mga panahong dumadaan sa kanyang buhay nang walang nangyayari sa kanyang career.

Pinagreynahan niya nu’n ang mga teleserye ng ABS-CBN, sikat na sikat siya, kaya nakapanghihinayang kung palalampasin lang niya ang magagandang oportunidad na puwede pa naman niyang hawakan uli.

Sana nga ay tuluy-tuloy na ang pagbabalik-pelikula at telebisyon ni Claudine Barretto. Marami pa ring naghihintay sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending