Horoscope, June 16, 2018 | Bandera

Horoscope, June 16, 2018

Madam Sophia |June 16,2018
facebook
share this

Horoscope, June 16, 2018

Madam Sophia - June 16, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag tatamad-tamad. Doblehin pang lalo ang mga pagsisikap abot kamay mo na ang tagumpay basta ang mahalaga ay magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. Sa pag-ibig, lalo mo pang pag-igihan at pag-initin ang pakikipagniig sa isang Libra. Mapalad ang 7, 16, 27, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “I will persist until I succeed!” Purple at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pag-ibig at pinansyal, tama ang suhestiyon ng kasuyo, kailangang magkaroon kayo ng negosyong may kaugnayan sa butil at pagkain upang magkaroon kayo ng extra income at ng agad na rin kayong yumaman. Mapalad ang 5, 15, 24, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Silver at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Hindi masama kung lagi kang hihingi ng awa sa Maykapal. Alalahaning ang pagyaman ay nakukuha rin sa paulit-ulit na dasal. Sa pag-ibig, wag pagalinlanganan ang pagmamahal ng isang Virgo. Mapalad ang 8, 15, 26, 29, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Me-Om.” Mint green at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Ang pagaalinlangan ay magdudulot ng kabiguan. Buuin mo ang iyong loob at sumugod ka ng sumugod. Sa pag-ibig pag-ukulan ng dagdag na panahon ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 7, 14, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Govardana-Om.” Blue at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa sandaling nagtuloy-tuloy ang pasok ng tag-ulan, lambingin ang minamahal upang wag na siyang mag hanap ng iba, sabay kayong maligo sa ulan. Sa pinansyal, habang umuulan mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 7, 11, 25, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om.” Orange at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Subukang maging matulungin. Habang tumutulong sa kapwa, ang kabuhayan ay lalo pang sasagana. Sa pag-ibig, ang katapatan sa kasuyo ang magdudulot ng pang-habang buhay na ligaya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Disiplina sa lahat ng bagay ang dapat. Sa pinansyal, dahan-dahan lang sa pag-gastos. Sa kalusugan, iwasan ang mga pagkaing makakasama sa iyong katawan. Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa romansa baka magkasakit ka na naman. Mapalad ang 5, 15, 24, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Purple at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pinansyal, upang wag masira ang diskarte iwasan ang mga taong may negatibong pagiisip. Sa pag-ibig, piliin ang kasuyong may positibong pananaw tulad ng isang Virgo. Mapalad ang 1, 10, 22, 29, 31 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ang elementong tubig ang magbibigay ng suwerte. Upang magkaroon ng magandang kapalaran sa salapi at pag-ibig, maglagay ng aquarium sa entrada ng inyong bahay. Mapalad ang Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Magiging makulay ang pag-ibig, ngunit dapat pa ring iwasan ang immoral na relasyon. Sa pananalapi, kasabay ng pagtaas at paglago ng kita maraming mga tukso ang darating. Manatiling tapat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Violet at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansyal, wag masyadong abusuhin ang katawan sa pagta-trabaho. Aanhin mo ang limpak-limpak na salapi kung magkakasakit ka naman? Mamayang gabi, mag-relaks at magpamasahe sa minamhal. Mapalad ang 9, 12, 21, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om.” White at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag masyadong maging gahaman. Tandaang higit na masaya ang buhay ng simpleng pamilya, kaysa sa ubod ng yaman. Sa pag-ibig, ang hindi pinagplanuhang relasyon ay magdudulot ng isang mas masarap at mas maligayang pag-ibig. Mapalad ang 4, 8, 17, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pag-ibig, mas magiging exciting ang relasyon sa biglaan at hindi pinag-handaang romansa. Sa pinansyal isang kakilala ang darating bigla ka na lang aabutan ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 5, 18, 21, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending