Sex video nina Gabby at Phytos pang-blackmail ni Glaiza | Bandera

Sex video nina Gabby at Phytos pang-blackmail ni Glaiza

|June 16,2018
facebook
share this

Sex video nina Gabby at Phytos pang-blackmail ni Glaiza

- June 16, 2018 - 12:30 AM

ARAW-ARAW na pinahahanga ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann ang mga manonood dahil sa intense na performance niya sa afternoon series na Contessa.

Last week lang ay puro papuri ang natanggap ni Gabby mula sa mga netizens na nakatutok sa serye, lalo na nang umere ang kanyang mga breadown scene matapos ang sunud-sunod na dagok sa kanyang buhay.

Dito pinatunayan ni Gabby kung gaano siya ka-versatile na artista. Partikular na pinalakpakan ng viewers ang mga eksena ng Kapuso actor at ng gumaganap na lover niya sa serye na si Phytos Ramirez.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Contessa, na kay Contessa (Glaiza de Castro) na ang alas dahil meron na siyang pang-blackmail kay Vito (Gabby).

Huli sa isang video ang nangyari sa pagitan ni Vito at ng kanyang boyfriend na si Winston (Phytos). Nakuha ni Contessa ang file na naglalaman ng mapusok na video na ito at mukhang ito na nga ang magpapabagsak sa mortal niyang mga kaaway.

Hindi na talaga magpapaawat si Contessa sa kanyang paghihiganti dahil kahit pa masakit na makita si Jong (Jak Roberto) sa piling ng iba, ay may mas mahalaga ang kanyang pagpapatumba sa mga kalaban. Mas magiging kaabang-abang pa ang Contessa sa mga susunod na episode dahil sa mga nakakaloka at nakaka-shock na paghihiganti ni Contessa sa mga taong umapi sa kanya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending