Duterte may banta sa mga miyembro ng Kadamay

June 14,2018
share this

Duterte may banta sa mga miyembro ng Kadamay

June 14,2018
share this

NAGBANTA si Pangulong Duterte na hindi mangingimi ang mga otoridad na gumamit ng dahas sakaling tumangging lisanin ang mga housing project na nakalaan para sa mga pulis at militar.

“Sabi ko sa pulis kunin ninyo uli. Kung gusto ninyo ng away sabihin ko sa pulis, bigyan mo ng away, kung magkamatayan, ‘wag kayo mauna pero kung kailangan pumatay kayo para i-implement ang legal na regulasyon, gawin ninyo,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Sta Rosa, Laguna.

Ito’y matapos naman ang panibagong pagtatangka ng urban poor group na Kadamay na okupahan ang mga bakanteng pabahay sa Rodriguez, Rizal.

“Mamatayan? Lima, anim, pito, wala kong pakialam,” dagdag ni Duterte.

“Kayong mga Kadamay, umalis kayo diyan. Well that is my order,” dagdag ni Duterte.

Idinagdag ni Duterte na hanggang bukas ng tanghali lamang ang ibibigay para umalis ang mga miyembro ng Kadamay.

“Pagka lumaban kayo at namatay kayo, problema ninyo iyan,” ani Duterte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending