Peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF hindi tuloy sa Hunyo 28

June 14,2018
share this

Peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF hindi tuloy sa Hunyo 28

June 14,2018
share this

SINABI ni Pangulong Duterte na hindi pa siya handa para sa muling pagbubukas sa Hunyo ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front (NDF).

“So, I’m talking to [Jose Maria] Sison, sabi niya June. No, I’m not ready for that. Kailangan ko pa nang konting panahon [I need a little more time],” sabi ni Duterte sa talumpati sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon naman kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, hindi matutuloy ang nakatakda sanang na muling pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at ng komunistang grupo.

“In our common effort to make sure that we achieve a conducive and enabling environment for peace, President Rodrigo Duterte instructed us to engage our bigger peace table – the general public, as well as other sectors in government – as we work to negotiate peace with the communist rebels. Consequently, the initial timeline that our backchannel team had worked on with their counterparts – the CPP-NPA-NDF, across the table had to be necessarily adjusted,” sabi ni Dureza.

Nauna nang itinakda ang pagbubukas muli ng peace talks sa Hunyo 29.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending