POC officials bumisita sa IOC chief

By Jeandra Pardinez June 14,2018
share this

POC officials bumisita sa IOC chief

By Jeandra Pardinez June 14,2018
share this

NAGKAMAYAN sina Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas (ikalawa mula kaliwa) at International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach matapos dumalaw sa IOC headquarters si Vargas kasama sina POC secretary-general Pato Gregorio (una sa kaliwa) at IOC representative to the Philippines Mikee Cojuangco-Jaworski noong Miyerkules. CONTRIBUTED PHOTO

DALAWANG araw na bumisita sina Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas at secretary-general Pato Gregorio sa International Olympic Committee (IOC) headquarters sa Lausanne, Switzerland.

Sinamahan sila ni Mikee Cojuangco-Jaworski, IOC representative ng Pilipinas.

Tampok sa kanilang pagbisita ang isinagawang 45-minuto pagdalaw kay IOC president Thomas Bach sa opisina nito sa downtown Lausanne noong Miyerkules.

Nabigyan din ng pagkakataon ang tatlong sports officials na makilala sina Jerome Polvey (head ng Institutional Relations and Governance & NOC Relations), Olivier Niamkey (head ng Athletes Unit & Relations with OCA and Asian NOCs) at director general Pere Miro.

Idinetalye ng IOC Sports Department sa mga delegado ang patungkol sa Athletes Commission, Athletes Entourage Commission, Games Management Department at Sports and Active Society Commission.
Mainit silang sinalubong ni Bach, isang German lawyer at Olympian fencer, matapos silang magkaroon ng tour sa Olympic Museum.

“He gave me a lot of pointers, foremost of which was to enjoy my job. He also talked of the values of collaboration, getting engaged, friendship and building relations,” sabi ni Vargas.

“What really impressed me most in the museum were the clarity of vision and the reason of the Olympic movement. And it is remarkable that it continues to be relevant and a vital contributor in the development of political relationships among the countries of the world,” dagdag pa ni Vargas.

Nabanggit din nina Gregorio at Vargas ang pagnanais ng Pilipinas na makuha ang unang gintong medalya sa Olympics na kung saan binigyang diin ni Bach na ang Pilipinas ay isang mahalagang tagapagtaguyod ng Olympic movement.

Sinabi naman ni Gregorio na nagkaroon ng mahalagang diskusyon sa pagitan niya at ng iba pang opisyales ng IOC kabilang na si Polvey na nagpakita ng malalim na kaalaman tungkol sa pag-unlad ng POC at nagbahagi ng mga ideya tungkol sa “responsible autonomy, NOC governance at national players rule.”

Ayon pa kina Vargas at Gregorio, ang presidente at bise-presidente ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP), ipinaliwanag din ni Bach ang pagbabagong nagaganap sa AIBA, ang international boxing federation.

“Mr. Bach says he is much concerned about issues on anti-doping, officials integrity and financial management in AIBA. He hopes these will be addressed soon so as not to jeopardize the inclusion of boxing in the 2020 Tokyo Olympics.” ayon pa kina Vargas at Gregorio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending