GMA itinatago ang bagong ka-loveteam ni Alden, secret muna | Bandera

GMA itinatago ang bagong ka-loveteam ni Alden, secret muna

Alex Brosas |June 15,2018
facebook
share this

GMA itinatago ang bagong ka-loveteam ni Alden, secret muna

Alex Brosas - June 15, 2018 - 12:25 AM

ALDEN RICHARDS

AMUSED na amused ang isang faney dahil parang itinatago ang mga details ng bagong teleserye ni Alden Richards.

Wala pa kasing lumalabas, ‘yung official, ha, na female lead sa kanyang soap opera. Ang feeling tuloy ng isang netizen ay parang lihim na lihim ang cast. Pati nga raw behind-the-scenes shots ay tagung-tago rin.

But lately, naglalabasan sa social media ang mga picture na kuha sa taping ng teleserye ni Alden. What’s nakapagtataka ay wala siyang kasamang leading lady sa mga shots.

“Anong pakulo ng @gmanetwork bigla yata nagluwag at hinayaan na lumabas ang mga BTS ng secret serye? Dahil ba nagleak at nabuking ang mga eksena sa VM. Walang lihim na maitatago habang buhay. Pilit man itago, lalabas pa rin ang totoo.”

“Ito pa ang mga behind the scene ng VM. Pag action scene okey lang lumabas sa socmed pero pag ka-eksena ang mga starlets na pokpok di pwede ilabas ng @gmanetwork.”

‘Yan ang hanash ni Mark Manalo sa Twitter.

q q q

Waging-wagi na sa kilig ay winner pa sa ratings ang dalawang teleserye ng Star Creatives, ang Sana Dalawa Ang Puso at Bagani.

Recently, nakakuha ng 33.9% ang Bagani against Kambal Karibal which got 19.1% samantalang ang Sana Dalawa Ang Puso ay naka-17.2% against My Guitar Princess na 8.4% ang rating na nakuha.

Ang dami ring kinilig sa topless scene ni Martin (Richard Yap) sa Sana Dalawa Ang Puso.

“Dami kong tawa at kilig sa scene sa kwarto. From Martin’s topless at tulala si Mona habang inaabot ang twalya to nagpapatuyo si Mona ng buhok at tulala naman si Martin. Grabe! Sarap sila pag untugin para sila na!”

“Ang lamig ng panahon pero pinagpapawisan ako sa dalawang toh. #S2PUpsAndDowns.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami ring pinakilig ang episode sa Bagani kung saan nagkita na finally sina Lakas (Enrique Gil) at Ganda (Liza Soberano).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending