Sadistang female celeb isinumpa ng mga katrabaho

By Cristy Fermin June 15,2018
share this

Sadistang female celeb isinumpa ng mga katrabaho

By Cristy Fermin June 15,2018
share this

NAPAKABILIS sumagot ng isang grupong nakasama ng isang kilalang female personality sa pelikula sa tanong kung gusto pa ba uli nilang makatrabaho ang babaeng personalidad?

Hindi na nagpalipas pa ng segundo ang tropa, ang kanilang sagot, “Hinding-hindi na!” Kahit pa raw tawasin ang grupo ay tatanggihan nila ang pakikipagtrabaho sa babaeng nagbigay sa kanila ng isang masamang panaginip.

Kuwento ng isang source na direktang nakakaalam ng mga ginawa ng female personality sa grupo, “Never na nilang gugustuhing makatrabaho ang babaeng ‘yun dahil sa sobrang dinanas nila nu’ng minsan.

“Ibang klase naman kasi ang girl, parang galit na galit sa mundo, kaya ipinapasa niya ang galit na ‘yun sa ibang tao! Hindi siya basta maarte, may pagkamasokista siya, gustung-gusto niyang nakakakita ng mga taong nahihirapan nang dahil sa kanya!

“Ayaw niya ring nakakakita ng mga taong masaya, hate na hate niya ang ganu’n, kasi nga, e, malungkot ang buhay niya! Negatron talaga ang babaeng ‘yun!” kuwento ng aming impormante.

Hindi lang basta panaginip na hindi kagandahan ang naranasan sa female personality ng tropa, bangungot ‘yun, isang karanasang ayaw na nilang maulit pa.

“Ibang klase siya! Nasa isang liblib na lugar sila, napakalayo ng location, pero mag-iinarte siya at magpapabili ng paborito niyang brand ng coffee. Walang choice ang production, pagbibigyan naman niya, dahil baka bigla siyang mag-walkout nang dahil lang sa kape!

“Ilang bundok ang binaybay nu’ng bumili ng kape, napakalayo naman kasi ng location sa mismong bayan, sobrang sakripisyo talaga ang tinanggap na hamon ng utility na bumili ng kape.

“Ilang oras pagbalik ng bumili, e, hindi man lang siya nagpa-thank you, para bang isang malaking obligasyon nu’ng tao ang pagbili ng kape para sa kanya. Napaka-insensitive niya talaga!

“At heto pa, inilagay lang niya ang kape sa isang lugar, hindi niya naman ininom, dahil malamig na raw! E, di ipinainit niya sana sa catering, may kalan naman du’n, maipakita man lang niya sa nagsakripisyong bumili na may saysay ang pagod nu’ng tao, di ba?

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakasarap naman talagang pitikin sa ilong ng babaitang ito, di ba? Gusto n’yo na ba siyang itulak sa imburnal para matuto siya ng leksiyon?” pagtatapos ng naiinis naming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending