'Darating din ang lalaking magmamahal nang totoo kay Kris, sa tamang panahon!' | Bandera

‘Darating din ang lalaking magmamahal nang totoo kay Kris, sa tamang panahon!’

Cristy Fermin |June 15,2018
facebook
share this

‘Darating din ang lalaking magmamahal nang totoo kay Kris, sa tamang panahon!’

Cristy Fermin - June 15, 2018 - 12:30 AM

MAGANDANG balita para sa kanyang mga tagasuporta kung totoo ngang tinuldukan na ni Kris Aquino ang kung anumang relasyong meron sila ni Mayor Herbert Bautista.

Sinabi ni Kris na puwede naman silang maging magkaibigan, hindi naman masisira ang kung anumang samahan na pareho nilang pinahalagahan, pero sa punto ng pakikipagrelasyon ay sumuko na si Kris.

Magandang desisyon. Darating pa rin naman sa kanya ang tamang taong mamahalin niya at magmamahal din sa kanya at kina Josh at Bimby. Kuwarenta’y siyete anyos palang si Kris, hindi pa siya naghahabol sa huling biyahe, darating din sa kanya ang espesyal na taong makakasama niya nang matagalan.

Nandiyan naman ang kanyang mga anak, iba ang pagmamahal na naibibigay ng karelasyon kesa sa pagmamahal at kasiyahang hatid ng mga supling, pero hindi pa rin kailangang magmadali ang aktres-TV host.

May nakalaang lalaki para sa kanya, may darating na magmamahal sa kanya sa isang panahong hindi niya inaasahan, ‘yun ang tinatawag na destiny.

Walang nakakokontra sa kung ano ang nakatakda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending