Binatilyong anak ni Ina ‘instant heartthrob’

By Ervin Santiago June 15,2018
share this

Binatilyong anak ni Ina ‘instant heartthrob’

By Ervin Santiago June 15,2018
share this

INSTANT heartthrob sa social media ang binatilyong anak ni Ina Raymundo na si Jakob.

Siguradong nabigla rin ang sexy actress at hot mama sa napakainit na paghanga ng mga netizens sa kanyang anak nang i-post niya sa Instagram ang kanilang litrato together. Kuha ang photo sa moving up ceremonmy ni Jakob at may caption na: “Congratulations son…you make us proud. #movingonceremony!”

Libu-libong likes at comments agad ang nakuha ng IG photo ng mag-ina mula sa mga netizens na karamihan ay mga girls na guwapong-gwapo kay Jakob, ang nag-iisang lalaki na anak ni Ina sa kanyang Canadian husband na si Brian Poturnak. Meron pa silang apat na anak na puro babae.

Ayon sa ilang followers ni Ina, artistahin daw ang kanyang anak at siguradong sisikat din kapag pinasok na nito ang showbiz. Narito ang ilang comments ng mga instant fans ni Jakob.

“Pwede ko po bang maging boyfriend yang anak niyo, promise po magiging mabait po akong daughter in-law,” sey ni @anadace.

“You’re son is really handsome pangmodel!” chika ni @kjp_panganiban.

Sey naman ni @dearfuturenishan, “True mga besh!!! Gwapito. Hanggang byaun malisuh parin sila pagpicturan sin inah nila haha. Lalo na in ate!”

Ito naman ang komento ni @rosemariebernudez273, “Congrats po s anak nyo po your so lucky that you have a son like him kamukha nyo po sya gwapo nagmana po s inyo god bless po s family nyo!”

q q q

Isang PAPAstig na Linggo ng umaga (9:45 a.m.) ang mapapanood sa Matanglawin sa pagdiriwang ng Father’s Day ni Kuya Kim Atienza kasama ang mga astig na tatay at Kapamilya stars sa ABS-CBN.

Makakasama ni Kuya Kim ang adventure lover na si Snooky Cruz, na hinayaang mahilig sa skydiving ang kanyang anak na kambal, na pinakabatang kambal na free fall divers.

Ang mag-amang Jun at Roshaun Mariano naman, ibabahagi ang kanilang pagbo-bonding sa RC scale crawling gamit ang maliliit pero malalakas na laruang kotse. Hindi rin pahuhuli ang GirlTrends at Hashtags ng It’s Showtime sa pagsabak nila sa Matanglawin Challenge tungkol sa mga tatay sa mundo ng mga hayop.

Panoorin ang lahat ng ito ngayong Linggo ng umaga sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending