Kilalang male star harapang niloloko ang dyowang aktres

By Reggee Bonoan June 15,2018
share this

Kilalang male star harapang niloloko ang dyowang aktres

By Reggee Bonoan June 15,2018
share this

SA ginanap na grand opening ng Skin & Beyond by Beautederm sa Butuan City last Sunday, ay tinutukso si Ria Atayde kay Ford Valencia na ka-loveteam niya sa Wansapanataym Presents: Ofishially Yours.

Nakikinig pala ang daddy ni Ria na si Art Atayde at sabay tanong kung sino ‘yun. Sinabi namin na miyembro ng Boyband PH si Ford pero kumunot ang noo nito. Mahigpit kasi si Papa Art sa mga anak niyang babae.

Anyway, ang katwiran ni Ria ay parang ate na siya ng Boyband Ph members dahil mas matanda siya sa mga ito at mga nakababatang kapatid lang din ang turing niya sa mga ito.

“But they’re all nice and makukulit,” paglalarawan ng aktres sa limang members ng grupo.
Hiniritan ulit namin ang dalaga kay Ford na sinagot naman ni Ria ng, “Tita, loveteam kami!”
Maraming supporters ang loveteam nina Ford at Ria ha, talagang kinakarir nila ang pagtu-tweet kapag may eksena silang dalawa.

Anyway, marami pang kilig scenes na mapapanood sa Wansapanataym Presents: Ofishially Yours tuwing Linggo sa ABS-CBN.

q q q

Hangga’t hindi pa umaamin pareho ang aktor at aktres na ito sa tunay nilang relasyon ay libre pa ring nakakapambabae ang lalaki.

Sitsit ng aming source, nanligaw pala ang aktor sa isang tisay na aktres pero hindi siya nakapasa dahil kilala pala ng girl kung sino talaga ang kanyang girlfriend.

Aware sa showbiz na pinatulan ni aktor ang aktres na may gusto sa kanya na talagang lapit nang lapit sa kanya, “Palay na ang lumalapit sa manok, e, hindi pa ba niya tutukain?” say ng aming source.

Pero butata naman siya sa tisay na aktres. Kaya nag-iisip siya ngayon ng paraan kung paano niya mapapaoo at kung paano siya mas mapapalapit pa sa dalaga.

Ang aktres naman na tunay na karelasyon ng aktor ay mukhang lumalapad ngayon. Marami ang nakakapansin na malakas itong kumain lalo na kapag nasa taping. “Ang lapad na niya, ang laki ng balakang. Hindi na yata nakakapag-exercise,” sabi naman ng isang taga-production na nakatsika namin. Baka naman idinadaan na lang ni aktres sa pagkain kapag nahuhuli niyang nambababae ang boyfriend niyang aktor? Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata tungkol sa magkarelasyong ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending