Cassy, Mavy may sorpresa kay Zoren sa Father’s Day

June 15,2018
share this

Cassy, Mavy may sorpresa kay Zoren sa Father’s Day

June 15,2018
share this

SA kauna-unahang pagkakataon, magkakasamang bibisita sa bahay ni Regine Velasquez ang mag-aamang Zoren Legaspi, Mavy at Cassy.

Isang masaya at inspiring episode na naman ang inyong mapapanood ngayong Saturday morning sa favorite weekly tambayan ng mga Pinoy, ang Sarap Diva kasama ang Legaspi family. For the first time, Zoren and Carmina Villaroel’s twins will appear on TV for an interview with the one and only Asia’s Songbird.

Alamin kung ano ang masasabi nina Mavy at Cassy tungkol sa “pagtatrabaho” nila sa murang edad at kung magkano na ba ang kanilang savings ngayon bilang mga teenager. Siyempre, may ibubuking din ang kambal tungkol sa kanilang celebrity parents.

After a fun chat, Zoren joins his twins to celebrate Father’s Day. May inihanda siyempreng sorpresa ang twins para kanilang Tatay.

And Ate Regine has a few surprises up her sleeve as well. The twins and their dad show just how much they love and annoy each other.

Before the day ends, Tatay Zoren prepares a kid-friendly and dad-approved merienda – ang napakasarap na Fried Champorado Balls na siguradong magugustuhan ng buong pamilya.

Lahat ‘yan ay mapapanood na ngayong Sabado ng umaga sa Father’s Day celebration ng Sarap Diva bago mag-Eat Bulaga sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending