Donny tinuruan ng tatay kung paano uminom

By Jun Nardo June 14,2018
share this

Donny tinuruan ng tatay kung paano uminom

By Jun Nardo June 14,2018
share this

SINUSUBAYBAYAN talaga ni Anthony Pangilinan ang ilang showbiz moves ng anak niyang si Donny Pangilinan.

Sumabak na rin kasi sa pag-arte ang binata. Isa si Donny sa mga bida sa Regal barkada movie na “Walwal” kasama sina Elmo Magalona, Jerome Ponce at Kiko Estrada with Kisses Delavin, Devon Seron and many others.

Sa kanyang tweet, humanga si Anthony nang makatanggap siya ng litrato ng anak galing sa personal assistant ng young actor na nag-aaral in between tapings o gigs para tapusin ang isang school assignment.

Eh, sa isang interview kay Donny ng Inquirer, ibinuking ng binata na ang father niyang si Anthony ang nagturo sa kanyang uminom (ng alak), huh!

Tweet ni Anthony, “Exactly! I taught him ‘how to drink,’ not ‘to drink,’ there’s a difference! Next, I’ll teach him ‘how to’ avoid these interview questions! Hahaha.”

Unlike his wife Maricel Laxa, mas pinili ni Anthony na maging host at inspirational speaker kesa umarte sa harap ng kamera. Eh, ngayong full housewife na ang award-winning actress kay Donny naman nakatutok ngayon si Anthony, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending