Burarang female celeb walang alam sa mga gawaing bahay kaya hiniwalayan ng asawa

By Cristy Fermin June 14,2018
share this

Burarang female celeb walang alam sa mga gawaing bahay kaya hiniwalayan ng asawa

By Cristy Fermin June 14,2018
share this

ANG dami-dami palang kuwento tungkol sa isang sikat na mag-asawang nagkahiwalay rin pagkatapos nang ilang taon.

Sabi ng aming source ay winalis lang muna ang mga istoryang ‘yun para itago sa ilalim ng carpet pero ngayon ay unti-unti nang naglilitawan.

Magkasundo sila nu’ng mag-boyfriend-girlfriend pa lang sila, hindi naman kasi sila nagkakasama nang maghapon at magdamag, pero nu’ng magpakasal na sila ay du’n na nagsimula ang kanilang mga problema.

Kuwento ng aming source, “Maliliit na argumento lang ‘yun kung tutuusin, kaya nga lang, e, nagkapatung-patong na sa dami, kaya lumala ang problema nila.

“Laki kasi sa ibang bansa ang husband, marunong siyang magtrabaho, kabog na kabog niya ang wife niya pagdating sa mga gawaing bahay. Hindi mo siya magugutom dahil marunong siyang magluto.

“Malinis siya sa bahay dahil sa bansang kinakalihan niya, e, sila-sila lang naman ng mga sisters niya ang nagtatrabaho dahil wala silang maid-of-cotton.

“Kaso, ang natagpuan niyang girl, e, walang kaalam-alam sa kahit ano, ni hindi nga yata ‘yun nakapaglaba ng underwear niya, e! So, in short, burara ang girl! Du’n na nagsimula ang mga hindi nila pagkakasundo.

“E, napakaprangka pa naman ng lalaki, diretso kung diretso ang dila niya, walang makapipigil sa kanya kapag may gusto siyang sabihin.

“‘Yun na! Kapag pinapansin ng guy ang wife niya, e, nagagalit sa kanya! Kaya nga raw siya nagpakuha sa mommy niya ng mga maids, e, dahil wala nga siyang alam sa mga trabahong bahay!

“Hindi naman okay kay husband ang ganu’ng katwiran, kailangang marunong siya ng mga trabahong bahay dahil may asawa na nga siya. Du’n na nag-umpisa ang mga walang katapusan nilang away,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Mula nu’n ay tumabang na ang kanilang relasyon, marami nang reklamo ang lalaki, hanggang sa nakatagpo siya ng isang babaeng yayamanin man ay maraming alam sa buhay.

“Organized ang girl, maayos sa bahay, malayung-malayo sa nakahiwalay niyang babae na kapag nagbibihis, e, basta ibinabagsak na lang sa floor ang mga pinagbihisan niya.

“Naku, ang dami-dami pang kuwento, sobrang dami, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pero saka na ang iba pa! Forver ang mga kuwentong ‘yun, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending