Dingdong may mga nadiskubre pa kay Marian bilang tao: Kaya pala mahal na mahal ko siya!

By Ervin Santiago June 14,2018
share this

Dingdong may mga nadiskubre pa kay Marian bilang tao: Kaya pala mahal na mahal ko siya!

By Ervin Santiago June 14,2018
share this

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

“AMAZING!” ‘Yan ang paglalarawan ni Dingdong Dantes bilang direktor ni Marian Rivera sa isang episode ng Tadhana sa GMA 7.

Kahapon sa presscon ng bagong infotainment-documentary series ng GMA na Amazing Earth, natanong ang Kapuso Primetime King tungkol sa pagdidirek niya sa kanyang asawa.

“Amazing. Grabe ‘yun! Yung totoo lang po, hangga’t maaari ay iniiwasan kong dumating yung araw na ‘yun. Dahil nagkakilala kami ni Marian bilang artista so alam ko yung kanyang kapasidad bilang aktress na mula noon pa talaga sobrang kahanga-hanga na.

“So ibang usapan yun kapag ako na yung magdidirek sa kanya. Gusto kong manatili sa akin ‘yung ganu’ng impression as a co-actor.

“And siyempre space niya ‘yun, ayoko naman na siyang i-manipulate kung paano niya gustong gawin ang isang bagay na magaling siya. Pero noong nagkaroon ng opportunity para sa Tadhana, yung takot ko at yung pag-iwas ko na maidirek siya ay naging napakandang opportunity.

“Kasi I saw a different kind of actor, a different kind of Marian na talagang nasabi ko sa sarili ko na kaya pala talaga mahal na mahal siya ng mga naging past directors niya, kaya pala mahal na mahal siya ng mga co-actors niya, lalo na ng mga producers and well, kaya pala naging mahal na mahal ko rin siya dahil sa kanyang dedication sa kanyang ginagawa.

“Makikita mo talaga mula sa preparations, hanggang execution walang kaarte-arte at mas na-appreciate ko siya. Kasi siyempre sa bahay iba naman yung usapan namin.

“Pero nakita ko siya actually in action noong ginawa namin ‘yung episode na ‘yun at mas na-appreciate ko bilang isang artista, na-appreciate ko siya bilang tao, bilang nanay kasi ganu’n siya ka seryoso,” papuri pa ni Dingdong sa kanyang misis.

Samantala, muling patutunayan ni Dingdong ang galing niya sa pagiging host sa pamamagitan ng Amazing Earth na magsisimula na sa darating na June 17.

The show features the Philippine presentation of British Broadcasting Company’s (BBC) award-winning series – Planet Earth II.

Dito, hindi lang ipakikita ni Dingdong ang extraordinary and exceptional wildlife mula sa iba’t ibang panig ng mundo kundi pati na rin ang mga tagong-ganda ng Pilipinas. Perfect kay Dingdong ang programa dahil talagang love na love niya ang adventure lalo na kapag nasa labas siya ng bansa.

“I love to travel. In my every destination, I always discover na marami pa talaga akong hindi nalalaman at dapat ma-explore about how beautiful this planet is. Kaya naman in this show, expect me to be part of the journey of every viewer—that in every episode, I will be learning side-by-side with them,” sey ni Dong sa presscon ng AE.

“Masaya ako kasi while doing this, I realized how it teaches me the value of respect—for the people, the animals and our planet. In the complexities of this current world, we should all find this balance wherein we could all co-exist and live as how we were all designed,” dagdag pa ng Kapuso actor.

Ano ang realization niya habang ginagawa ang AE? “Napakalaki ng ating planeta, napakalaki ng ating mundo and there are things we still have to explore.

“At minsan may mga bagay na hindi marating sa ating dalawang paa na nakaeroplano ka, naka-speed boat ka, itong interesting na istorya ng ibang nilalang sa ating planeta ang hindi pa natin nakikita, ang planet Earth, through Amazing Earth,” ani Dong.

Ang Amazing Earth ay sa direksyon ni Rico Gutierrez at magsisimula na sa June 17 after 24 Oras Weekend sa GMA Sunday Grande.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending