Mag-inang Ria at Sylvia nagsosyo sa negosyo

By Reggee Bonoan June 14,2018
share this

Mag-inang Ria at Sylvia nagsosyo sa negosyo

By Reggee Bonoan June 14,2018
share this

FIRST time nagsosyo sa isang negosyo ang mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde na binuksan na noong Linggo, Hunyo 10 sa Lifescale Building J.C. Aquino Avenue, Butuan City – ito ang Skin & Beyond by Beautederm.

Kapwa mga Butuanon ang kasosyo ng mag-ina na sina Agnes Cecilia Carballo, Feli Gravador, Primy Anne Magno at Dia Nicole Magno.

Sabi ni Rei Ramos Anicoche Tan, Chief Executive Officer at Presidente ng Beautederm ay pang-20 store na nila ang Skin & Beyond by Beautederm sa Butuan City.

Hindi raw ito franchise sabi ni Ms. Rei, “Ayaw kong magpa-franchise kasi gusto ko maintained pa rin ang store, ang mangyayari, ako lang ang supplier ng lahat ng products, pero sila na ang owner at distributor dito sa buong Caraga Region.”

At bago raw matapos ang 2018 ay aabot na sa 30 stores ang nabuksan nila sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Bilang endorser ay naisip ni Sylvia na magtayo ng sariling Beautederm clinic sa bayan niya sa Mindanao bilang sole distributor ng Caraga Region dahil ‘yung mga gumagamit nito ay kinakailangan pang magpa-deliver mula sa Manila.

“At least ngayon, puwede na nilang puntahan anytime,” say ni Ibyang.

Isinama ng aktres ang anak na si Ria para naman may pinupuntahan ang kinikita nito simula nang mag-artista siya, “Hindi naman kikita ng malaki sa bangko ang pera mo kaya invest mo na lang sa negosyo,” katwiran ni Ibyang.

May promong “buy one-take one” ang kanilang mga produkto kabilang na ang mga cologne ni Arjo Atayde (isa rin sa mga endorser). Nu’ng opening day ay nag-soldout agad ito na hindi ini-expect ng mga may-ari.

Dagdag pampakilig din sa mga bumili ang pictorial kasama ang iba pang celebrity ambassadors ng Beautederm tulad nina Arjo, Ria, Sylvia, Carlo Aquino, Matt Evans, Maricel Morales, Shyr Valdez, Alma Concepcion, Jaycee Parker, Rochelle Barrameda, Smokey Manaloto at Darla Sauler.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending