Babaerong ex

By Beth Viaje June 13,2018
share this

Babaerong ex

By Beth Viaje June 13,2018
share this

Dear Ateng:
Matagal na kaming hiwalay ng aking ex matapos siyang mambabae. After more than two years, nagtatangka siyang makipag-ugnayan sa akin. Hindi ko naman sinasagot ang tawag at text niya dahil feeling ko naman matagal na kong naka-move on at masaya ngayon kahit single. Tingin n’yo po ba, tama ang desisyon ko na hindi na siya kausapin?

From Tricia ng Novaliches!

Tricia ….yung totoo? Apektado ka pa e! Kasi kung hindi ka na apektado, e di sana tinuloy tuloy mo na pagdedma kay ex.
Pero tama yang ginagawa mo, kahit apektado ka pa, wag mo ipahalata. Tuloy-tuloy mo lang siyang idedma. Ang lagay, tawag at text lang, feeling niya babalik ka na sa kanya?!
Siyempre kung sincere siya, mag-effort naman siyang hanapin ka at puntahan ka, di ba? Pero yamang ganyan lang effort niya, ay naku, teh, he is not worth it!
Tuloy-tuloy ka nang maging masaya kesa mag take risk na magulo na naman ang buhay mo ng isang babaero. Kung nagbago na siya, e di good for him, di ba? Kung hindi pa siya nagbabago, hayaan mong ibang babae naman mamrublema sa kanya! Har har har!
On the other hand, hindi natin alam bakit all of a sudden ay bigla na lang magpaparamdam ang matagal nang nahimlay (multo?!)
Baka naman nagbago na siya at naghahanap ng closure at forgiveness sa mga babaeng sinaktan nya.
Pwede rin sigurong magtanong-tanong ka sa mga mutual friend n’yo at makibalita bakit bigla ka niyang tinetext at tinatangkang tawagan.
Mararamdaman mo rin naman ‘yan sa mga text niya sa iyo. Kung feeling mo ay “hinaharot” ka na naman, nagpapa-cute na naman siya at mukhang hindi naman closure ang gusto, dedma na teh.
Pag naman mukhang “malinis” ang mga messages niya, magtanong-tanong ka pa muna sa mga mutual friends n’yo nga.
Baka naman may ibang relasyon na siya, bored lang at umaandar na naman pagkapalikero.
But as it is, huwag mo siyang bigyan ng reason para umasa na pwedeng maging kayo ulit o maging magkaibigan ulit. Mahirap na magulo ka na naman ng isang tulad niya na maraming alam at mahusay magpakilig.

Ateng Beth!
May problema ka ba sa puso o relasyon sa iyong asawa, partner, GF or BF o kahit sa boylet, pamilya, pag-aaral, idulog na iyan kay ateng Beth. I-text ang iyong pangalan, edad at mensahe sa 09989668253

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending