Horoscope, June 13, 2018

By Madam Sophia June 13,2018
share this

Horoscope, June 13, 2018

By Madam Sophia June 13,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Magara ang magiging kapalaran mo ngayon, kung saan, magkahalong suwerte at negatibong kapalaran ang darating. Panatiliin ang ugaling palasimba at madasalin. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yoga-Budha-Nanda” Yellow at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa araw na ito, baguhin ang ayos ng bahay. Ilayo sa dingding ng two inches ang kamang higaan at panatiliing bukas ang bintana sa silangan. Sa ganyang paraan ay lalong gaganda ang kapalaran at sa pag-ibig may ligayang makakamtan. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 44 at 47. Mahiwag mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Violet at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ngayon na ang tamang panahon upang mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, ayain ang minamahal sa tahimik na silid at doon n’yo pag usapan ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi. Mapalad ang 1, 6, 28, 37, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Narahayana-Om.” Lilac at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Wag palagpasin ang suwerte! Kung dumami ang pera, itabi upang may magamit sa panahon ng kagipitan. Kung uminit ang dating malamig na relasyon, saidin ng lubos ang kaligayahan—bukas huhupa din ang libido. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “This too shall pass!” Green at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Maikli lang ang buhay. Gawin agad ang anumang bagay na nasa isip. Wag magpatumpik-tumpik. Lakas ng loob ang kailangan upang lumigaya at umunlad. Mapalad ang 2, 16, 23, 29, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhipana-Bodhana-Nanda-Om.” Pink at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — “Sun” ang ruling planet ng Leo. Habang hindi pa lubusang nagtatag-ulan, patuloy ang dating ng suwerte. Isang nilalang na nakakulay green ang lihim na naglalaway sa iyo – kilalalnin mo siya malaking halaga ang iaabot niya sa iyo. Mapalad ang 1, 8, 28, 40, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ubur-Minna-Om.” Bukod sa orange ang beige ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Hayaang magkuwento nang magkuwento ang kasuyo kaysa sa ikaw ang laging nagsasalita. Makinig na mabuti sa kausap kaysa ikaw lagi ang pinapakinggan upang mas madali mong siya mapasang-ayon sa iyong kagustuhan. Mapalad ang 5, 14, 22, 32, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Riga-Pad-Hani-Om.” Gray at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Hindi lang emosyon at sexual na aspeto ang nagpapaligaya. Ang salapi ay nagpapaligaya rin. Simulan na ngayon ang malawakang pag-iipon at pagpapalago ng salapi. Mapalad ang 3, 13, 21, 27, 33 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Doysa-Mina-Om.” Red at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Muli mong makakatagpo ang isang tao na dating nagbigay sa iyo ng suwerte. Sunggaban mo siya ng yakap sa muli ninyong pagkikita. Siya ang lulutas sa iyong mga problema. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Beeja-Om.” Voiolet at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag nang problemahin ang mga pagkakautang, kusa mo rin ‘yang mababayaran pagdating ng panahon. Sa pag-ibig, damahin ng lubos ang huling yakap ng kasuyo bago siya mangibang bansa. Mapalad ang 2, 19, 29, 37, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harin-Dosya-Om.” Red at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Baka hindi mo napapansin boring kang kasama? Magpatawa ka naman! Sa pinansiyal kung lagi kang nakangiti mas maraming salapi ang darating. Mapalad ang 4, 8, 29, 38, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Maya-Beeja-Blanca-Om.” Peach at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag pairalin ang pabago-bagong isip. Kung hindi ka magko-concentrate sa pag-iipon at pagtitipid, paano ka yayaman? Sa pag-ibig, laging ilagay sa isip ang minamahal na may darating din nilalang na magpapaligaya sa iyo habang buhay at sa bandang huli, yan nga rin ang kusa at talaga namang magaganap. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padma-Purana-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag sayangin ang panahon sa kaiisip. Huwag ng mag-plano ng kung ano-ano bagkus kumilos ka agad. Sa pag-ibig, sugod lang nang sugod, upang makasapol ng true love. Mapalad ang 7, 16, 18, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Gayatri-Om.” Orange at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending