Ice Seguerra kay Piolo: ‘Sing-pogi, pero di sing-tangkad!’

By Ervin Santiago June 13,2018
share this

Ice Seguerra kay Piolo: ‘Sing-pogi, pero di sing-tangkad!’

By Ervin Santiago June 13,2018
share this

MARAMING naaliw at nag-comment sa Instagram photo na ipinost ni Ice Seguerra kung saan kasama niya ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual.

Kuha ito sa studio ng Sunday musical show ng ABS-CBN na ASAP at may caption na: “‘Sing pogi pero di ‘sing tangkad.”

Narito ang ilang comments ng IG followers ni Ice.

“Okay lang yan pards!!! @iceseguerra kesa naman matangkad tapos di naman pogi!” sabi ni @alexrei1027.

Sey naman ni @dtsebastian. “Agree. Pogi ng idol ko….kasing bansot ng lablab ko hahah peace @iceseguerra @rheylhenomotsosirc! Oh idol natin hehe!”

“Mas mataas pa rin ang tingin ko sayo Idol! You’re the man!” komento ni @rrformanes.
“Kahit dika po tngkad @iceseguerra pero pogi kpo para saamin kya nga Lodi kita ehh!” ang chika ni @yhang.jga.

Samantala, bago ang nasabing IG post ni Ice, isang quite card muna ang ibinahagi niya sa netizens na may mensaheng, “Na pag kamalan ka na bang tomboy?” at may caption na, “Parati. Kasawa na.”

Ilang beses na kasing sinabi ng asawa ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino na hindi siya tibo, isa siyang transgender man. “I am a TRANSGENDER MAN. Ibig sabihin, pinanganak man akong may vagina, I identify myself as a man. Gets? TRANSMAN po yun,” ang paliwanag ni Ice.

May ilang followers si Ice na sumagot sa kanyang tanong. Sey ni @bherubs, “Yes po @iceseguerra napagkalaman na akong tomboy dahil madalas ako naka rubber shoes.”

Comment ni @arnee_fhel, “Me too. Hahahaha lalo na nung may sinapak ako dahil inaway kapatid ko.”

“Oo idol, sabi ko nga dba pd choice lang. 32 na kc ako and until now single parin. nkakasura na nga minsan. nauudyukan na anu daw ba talga gusto ko. bwahahaha. mga pasaway na kaibigan,” sey naman ni @rhogzseyer04.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending