Young hunk actor nasa panganib ang career dahil sa tropa

By Cristy Fermin June 13,2018
share this

Young hunk actor nasa panganib ang career dahil sa tropa

By Cristy Fermin June 13,2018
share this

NAG-AALALA ang maraming nagmamahal at nagmamalasakit sa isang young hunk actor na baka madiskaril ang kanyang popularidad kung ipagpapatuloy pa rin niya ang pakikipagkaibigan sa mga taong hindi kagandahan ang ibinibigay na impluwensiya sa kanya.

Masyado kasing mabait ang young hunk actor, nahihiya siyang sumagot ng hindi, talagang hindi niya makayang tanggihan ang mga imbitasyon sa kanya dahil baka masabihan siyang yumabang na nang dahil sa popularidad na ine-enjoy niya ngayon.

Pero kailangan, sabi ng mga nagmamalasakit sa kanya, dahil hindi niya naman nahawakan ang popularidad na meron siya ngayon nang maigsing panahon lang. Napakalaki ng pinagdaanan niyang pagsasakripisyo para magtagumpay sa trabahong mahal na mahal niya.

Sabi ng isang source, “Madisiplina naman siya, alam niya kung ano ang mga tama at mali, kaya lang, dahil sa sobra niyang kabaitan, e, nagsasamantala naman ang mga taong gustong-gusto siyang nakakasama.

“Palibhasa, e nice nga siya, kitang-kita naman ‘yun sa itsura niya, hindi siya nakasisiguro kung totoo bang nagmamalasakit din sa kanya ang mga taong nakikipagkaibigan sa kanya.

“Malay naman natin, baka may mga tao sa paligid niya na ang talagang intensiyon, e, ang ibagsak siya, di ba? Hindi naman lahat ng mga pumupuri at nakangiti sa kanya, e, masasabi na nating kakampi niya,” simulang kuwento ng aming impormante.

Sagana naman sa mga taong nagmamahal sa kanya ang young hunk actor, ang mga taong ‘yun ang madalas na nagpapaalala sa kanya na kailangang marunong siyang kumilatis ng mga totoong tao, marami kasing mapagpanggap ngayon.

“Unti-unti na siyang nakakaiwas ngayon sa mga hindi kagandahang impluwensiya. Kailangan niya ng tulog at pahinga, marami siyang trabaho, kaya may enough reason naman siya para tumanggi sa pagyayaya ng mga taong kapos sa trabaho kaya puro pagba-bar ang inaatupag.

“Napakabait ng young hunk actor, walang masamang tinapay para sa kanya, kaya niyang pakisamahan ang kahit sino, kaya naman tuluy-tuloy ang pag-agos ng biyaya sa career niya,” papuri pa ng aming source tungkol sa guwapong young hunk actor.

Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, loves na loves n’yo rin siya, niyayakap n’yo sa puso n’yo ang guwapo at sikat na bae na itey.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending