Bae Suzy, Lee Seung Gi muling matatambal sa K-drama na ‘Vagabond’

By Bella Cariaso June 13,2018
share this

Bae Suzy, Lee Seung Gi muling matatambal sa K-drama na ‘Vagabond’

By Bella Cariaso June 13,2018
share this

KOREAN word of the week: Hyung – Sa atin ang kahulugan nito ay kuya. Literal na ginagamit kapag tumatawag ang isang lalaki sa nakatatandang kapatid na lalaki. Ginagamit din ito ng mga lalaking Korean sa kahit hindi kadugong mas matandang lalaki na malapit sa kanila.

q q q

Kumpirmado na ang pagsasama ng dalawang Korean superstar na sina Lee Seung Gi at Bae Suzy sa bagong K-drama na Vagabond.

Matatandaang huling nagsama sina Seung Gi at Suzy sa Gu Family Book noong 2013 kung saan sila rin ang mga bida.

Gagampanan ni Seung Gi ang karakter ng isang stuntman na kasamang maaaksidente sa isang plane crash, samantalang gaganap si Suzy bilang isang agent mula sa National Intelligence Service.

Sa kasalukuyan, napapanood si Seung Gi sa variety show na Master In The House at nakatakda ring ng maging host ng reality show na Produce 48.

Bukod sa acting, tinagurian din si Seung Gi sa Korea bilang “Ballad King”.

Samantala, naging bahagi naman si Bae Suzy ng dating girl group na Miss A. Huling napanood ang Korean actress sa hit series na While You Were Sleeping.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending