Glaiza tinawag na ‘My Leonardo DiCaprio’ si Gabby | Bandera

Glaiza tinawag na ‘My Leonardo DiCaprio’ si Gabby

|June 13,2018
facebook
share this

Glaiza tinawag na ‘My Leonardo DiCaprio’ si Gabby

- June 13, 2018 - 12:10 AM

GABBY EIGENMANN AT GLAIZA DE CASTRO

TINAWAG ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na “My Leonardo DiCaprio” si Gabby Eigenmann.

Ibinahagi ni Glaiza sa kanyang fans and supporters kung gaano siya kabilib sa kanyang co-star sa afternoon series na Contessa bilang aktor at kung gaano kataas ang respeto niya rito bilang isang tao.

Nag-post ang pambatong bida-kontrabida ng GMA 7 sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Gabby at doon niya ipinaliwanag kung bakit mahal na mahal niya ang aktor.

Sey ni Glaiza, “My Leonardo DiCaprio (kasi nga ako si Kate Winslet, gets? LOL) Bihira makatagpo ng tunay na kaibigan sa mundong ito, bukod sa napaka sarap niyang ka eksena (First scene palang namin sa Dading, napag tanto na naming click kami eh) at mula nun kahit walang eksena naglalaro parin kami.

“Mas nagiging masaya magtrabaho kung ganito mga kasama mo. #BestFriendsDay!” dagdag pa ng dalaga.

Ang teleseryeng Dading ang nagsilbing launching soap ni Gabby sa GMA ilang taon na ang nakararaan. Diti ibinandera ng aktor kung gaano siya ka-versatile pagdating sa pag-arte. In fairness, umani ng papuri si Gabby sa nasabing proyekto at tinagurian pa ngang the next Eddie Garcia.

Sa ngayon, humahataw ang panghapong serye nila sa GMA na Contessa kung saan gumaganap si Glaiza bilang si Bea/Contessa habang si Gabby naman ang pinakakontrabida sa kuwento as Vito.

Sa mga nakaraang episode ng Contessa ay muling pinatunayan ni Gabby ang kanyang galing sa pag-arte lalo na sa kanyang mga breakdown at confrontation scene with Phytos Ramirez na gumaganap na lover niya sa istorya.

Sa katunayan, inulan ng papuri ang mga madadrama niyang eksena nitong mga nakaraang araw hindi lang mula sa mga manonood kundi pati na rin sa mga kaibigan niyang celebrities.

Napapanood pa rin ang Contessa sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending