Galit na mister pinatay ang misis at isa pang babae sa North Cotobato | Bandera

Galit na mister pinatay ang misis at isa pang babae sa North Cotobato

|June 12,2018
facebook
share this

Galit na mister pinatay ang misis at isa pang babae sa North Cotobato

- June 12, 2018 - 03:46 PM

NAPATAY ng isang galit na magsasaka ang kanyang misis at isa pang babae matapos pagbabarilin nang makitang magkasamang natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion, Matalam, North Cotabato.

Nasawi rin si Danilo Belgira matapos barilin ng mga rumespondeng pulis nang makipagpalitan ito ng putok, ayon kay North Cotabato police spokesperson Supt. Bernard Tayong.

Sinabi ni Tayong na dumating si Belgira sa kanilang bahay ganap na alas-6 ng umaga nang makita ang kanyang misis na si Evelyn at Miraluna Brigole na natutulog.

Dahil sa galit matapos kumprontahin, binaril ni Belgira ang kanyang misis gamit ang isang caliber .45 pistola.
Dead on the spot ang dalawang babae.

Idinagdag ni Tayong na sugatan din ang mga kamag-anak ni Belgira na sina Eduardo Dela Torre at Vivien Banes, nang kanyang barilin habang umaawat.

“They tried to convince him to surrender but he resisted violently and was also shot dead. Jealousy prompted the man to shoot his wife and Brigole,” sabi ni Tayong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending