Tambalang Ken Chan-Arra San Agustin may magic | Bandera

Tambalang Ken Chan-Arra San Agustin may magic

Ervin Santiago |June 12,2018
facebook
share this

Tambalang Ken Chan-Arra San Agustin may magic

Ervin Santiago - June 12, 2018 - 12:05 AM

MALAKAS pala ang chemistry ng mga Kapuso stars na sina Arra San Agustin at Ken Chan.

Napapanood sila sa GMA Telebabad series na The Cure gabi-gabi at in fairness, puro papuri rin ang natatanggap nila mula sa mga viewers.

Gustung-gusto ng mga manonood ang eksena kung saan nalaman na ni Joshua (Ken) na magkakaanak na sila ni Anna (Arra).

Sa gitna nga ng kaguluhang nagaganap sa kanilang lugar dahil sa epidemya, may magandang balita pa ring natanggap si Joshua mula sa kanyang asawa, na nagdadalantao na nga ito.

Ayon sa ilang netizen, hindi raw nila maiwasang mapatulala kay Ken dahil napaka-intense raw ng mga pagtitig ng binata kay Arra. Kaya naman tinuksu-tukso sila ng kanilang mga social media followers. Nais daw nilang tanungin si Arra kung apektado ba siya sa nakatunaw na mga tingin ni Ken.

Samantala, mas magiging pursigido na si Joshua na makahanap ng lunas sa epidemya dahil hindi lang isa ang poprotektahan niya kundi dalawa na. Paano pagtutulungan nina Joshua at inang si Evangeline (Jaclyn Jose) ang paghahanap sa gamot na kailangan nila para mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus?

Napapanood ang The Cure pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending