2 loveteam todo tanggi na magdyowa kahit buking na | Bandera

2 loveteam todo tanggi na magdyowa kahit buking na

Cristy Fermin |June 12,2018
facebook
share this

2 loveteam todo tanggi na magdyowa kahit buking na

Cristy Fermin - June 12, 2018 - 12:15 AM

DALAWANG loveteams ang pinagpistahan sa isang umpukan. Magkaiba sila ng network pero parehong-pareho ang kanilang mga kadramahan. Hindi pa raw sila magkarelasyon.

Sweet daw sila sa isa’t isa dahil magka-loveteam nga sila, pero ang kaswitan daw nila ay sa harap lang ng mga camera, wala raw silang relasyon.

Si Loveteam A ay pinagtataasan ng kilay sa kanilang istasyon, panay-panay kasi ang kanilang pagdedenay na magkarelasyon na sila, pero kitang-kita namang sobra pa nga sa pagiging magkarelasyon ang mga ginagawa nila.

“Ang sabi ng girl, e, hindi pa raw sila mag-on ng guwaping na guy, magka-loveteam lang daw sila, kaya kailangan silang magkasama palagi. Pero naman! ‘Yun ba ang magka-loveteam lang, e, sobra-sobrang makapulupot ang babae sa lalaki?

“Kung hindi pa sila magkarelasyon nang lagay na ‘yan, paano pa kapag totoo na palang sila, e, di baka gawin na nila sa harap ng mga tao ang dapat na ginagawa lang ng mga nagmamahalan sa kuwarto?

“Nakakaloka sila, ha? Para na nga silang sawa kung magyakapan, wala pa rin silang relasyon?” naiinis na kuwento ng aming source.

May panglaban din kay Loveteam A ang kalaban nilang network, isang loveteam din ito na sagana sa pagdedenay na magkarelasyon na sila, pero susmaryosep!

Pahayag naman ng isa pang impormante, “Nakakaloka naman ang dalawang ‘yun! Nagiging problema na nga sa work nila ang pagiging sobrang seloso nu’ng guy, e, umiiyak na lang ang girl kapag ganu’n.

“Ano ang karapatang magmarakulyo ng lalaki kung wala naman pala silang special something ng girl?

“Sobrang seloso ang guy, lahat na lang yata, e, pinagseselosan niya, pati ang mga common friends nila!

“Ang mga bagets na ito, denay sila nang denay, pero kung makapaglambingan naman sila in public, wagas na wagas!” dagdag pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang dalawang loveteam na ito ang kinatawan ng kani-kanilang network, palagi silang nagdedenay na sila na, pero kitang-kita naman ang ebidensiya na higit pa sa magkarelasyon ang turing nila offcam.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na kung sinu-sino ang mga eklaterang loveteams na itey?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending