Sey n’yo Jinkee, Aiko…Ara matindi pa rin ang kamandag sa lalaking may asawa

By Cristy Fermin June 12,2018
share this

Sey n’yo Jinkee, Aiko…Ara matindi pa rin ang kamandag sa lalaking may asawa

By Cristy Fermin June 12,2018
share this

SA isang banda ay nakakaawa rin naman si Ara Mina. Kundi tungkol sa kontrobersiya ng pang-aagaw sa relasyon ng may relasyon ay nadadamay rin ang kanyang pangalan sa usapin ng pananalapi.

Matagal nang ibinibintang sa aktres ang pakikipagrelasyon sa mga lalaking pamilyado na, ‘yung meron nang sabit, hindi naman marunong magdala ng relasyon si Ara Mina dahil pumuputok ‘yun at pinagpipistahan.

Sa mga ganu’ng pagkakataon ay tahimik lang si Ara, kahit yata pitpitin natin ang lahat ng kanyang mga daliri ay hindi siya magsasalita, kaya lalong humahaba ang isyu.

Ngayon ay mainit na mainit na pinagpipistahan ang aktres dahil sa insidenteng natuklasan ng kanyang kaibigan. Ang babae pa mismo ang nakadiskubre na karelasyon mismo ni Ara ang boyfriend nito.

Naglabas na ng kanyang saloobin ang babae sa social media, hindi man nito pinangalanan si Ara ay bulag at bingi na lang ang makapagsasabing ibang babae ang tinutukoy nito, bigay na bigay ang mga pagkakakilanlan kay Ara sa inilabas na pahayag ng babae.

Sabi ng isang source na nakausap namin, “Naku, lumang tugtugin na ‘yan! May kinaibigan din si Ara na friend ko, pero ang ending, naging karelasyon niya ang husband nu’ng kinaibigan niya!

“May mga babaeng ganyan. Hindi sila masaya kapag wala silang kaagaw sa lalaki, kailangang meron, dahil para sa kanila, e, exciting ang ganu’ng klase ng relasyon,” madiing sabi nito.

Nagtataas kaya ng kilay ngayon si Jinkee Pacquiao? Si Aiko Melendez, ano naman ang masasabi, nagtatawa lang kaya ngayon ito nang palihim?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending