Komedyana rumaraket kahit bigas at manok lang ang TF | Bandera

Komedyana rumaraket kahit bigas at manok lang ang TF

Cristy Fermin |June 11,2018
facebook
share this

Komedyana rumaraket kahit bigas at manok lang ang TF

Cristy Fermin - June 11, 2018 - 12:15 AM

MARAMING nakikisimpatya sa kinauwian ng dating magandang career sa pagkokomedya ng isang female personality. Bigla kasi siyang nawala sa gitna ng aksiyon.

Dati kasi ay mabenta siya sa TV at pelikula, marami ring kumukuha sa kanya sa mga shows sa malalayong probinsiya, pero bigla siyang nawala sa sirkulasyon.

Nasa isang probinsiyang malapit lang sa Maynila ngayon ang babaeng personalidad, tagaroon ang kanyang karelasyon, pero paminsan-minsan ay nagkakaroon pa rin naman siya ng raket.

Kuwento ng aming source, “Binabarat-barat na lang siya ngayon, kung magkano na lang ang budget, tinatanggap na rin niya dahil Spell M talaga siya, matindi ang pangangailangan niya.

“Kung minsan nga, kapag walang budget para sa kanya, e, binibigyan na lang siya ng bigas o manok, tinatanggap na rin niya ‘yun dahil malaking tulong ‘yun sa pangkabuhayan showcase niya,” pahayag ng aming impormante.

Nagkakaisa ang mga dating katrabaho ng komedyanang ito na walang dapat sisihin sa kanyang pagkawala kungdi ang kanyang sarili. Siya ang humanap ng kinalalagyan niyang kapalaran ngayon.

“Sumobra rin naman kasi ang kaangasan ni ____ (pangalan ng nagkokomedyang personalidad), ang akala niya nu’n, e, wala nang pagkupas ang popularity niya, naging sobrang maldita siya!

“Sumabit lang ang pangalan niya nu’n sa isang sikat na grupo, e, akala mo naman mas sikat pa siya sa inaangklahan niya? Maldita ang babaeng ‘yun, masyadong naging mayabang, may attitude siya, kaya nawalan siya ng mga projects.

“’Yun ang mahirap kapag hindi na makayang i-handle ng artista ang konting popularidad lang na meron siya, feeling super-sikat na siya, maangas na, tulad ng babaeng ito!

“E, napakadali pa namang hulaan kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday. Pinaghalong pangalan ng isang sikat na foreign singer ‘yun saka ng isang sikat na boxer!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending