Sapakan nina Jennylyn at Diva patok sa mga Pinoy | Bandera

Sapakan nina Jennylyn at Diva patok sa mga Pinoy

|June 11,2018
facebook
share this

Sapakan nina Jennylyn at Diva patok sa mga Pinoy

- June 11, 2018 - 12:20 AM

CHEERFUL, patient and always calm. Yan ang ilan sa mga salitang ginagamit ng mga kaibigan ni Jennylyn Mercado kapag siya’y inilalarawan bilang isang tao.

Pero parang kabaligtaran na nito ang mapapanood sa karakter niya sa primetime series ng GMA na The Cure. Sa mga nakaraang episode kasi ng serye ay nasagad na ang pasensiya ni Charity (Jennylyn) sa kontrabidang si Suzy (Diva Montelaba).

Sa isang eksena ay talagang nakipagbugbugan na rin ei Charity kay Suzy – sabunutan, ngudnguran ng mukha at sapakan ang naging laban ng dalawa sa gitna ng mas lumalala pang problema nila sa killer virus.

Dahil dito, itutuloy na ni Charity ang planong pagtakas mula sa kampo ng mga survivors at makipagsapalaran sa labas para mailigtas ang sarili at ang kanyang mga mahal sa buhay.

Marami ang humanga sa paglaban na ginawang ito ni Charity kay Suzy dahil para sa kanila, ito ang dapat niyang gawin para katakutan ng mga kalaban. Pero ang tanong, makatakas pa kaya sina Charity sa kampo ngayong mas pinatindi pa ang seguridad dito?

Samantala, malakas din ang chemistry nina Arra San Agustin at Ken Chan sa The Cure, at mas lalo pa itong lumutang sa eksenang pagbubunyag na magkakaanak na sila.

Sa gitna ng gulo dahil sa epidemya, maganda ang balitang bumungad sa karakter ni Ken na si Joshua dahil ibinalita ng asawang si Anna (Arra) na nagdadalantao siya. Talagang marami ang natulala kay Ken dahil intense ang mga pagtitig niya, kaya naman gusto naming tanungin si Arra kung hindi pa ba siya natutunaw sa mga tingin ni Ken.

Samantala, mas magiging pursigido na si Joshua na makahanap ng lunas sa epidemya dahil hindi lang isa ang poprotektahan niya kundi dalawa na. Paano pagtutulungan nina Joshua at inang si Evangeline (Jaclyn Jose) ang paghahanap sa gamot na kailangan nila?

Patuloy na tutukan ang mas umiigting pang mga tagpo sa The Cure after 24 Oras. Kasama pa rin dito sina Tom Rodriguez, LJ Reyes, Jay Manalo at marami pang iba, sa direksyon ni Mark Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending