Bimby sinigawan, pinagalitan ni James Yap habang nag-uusap sa cellphone | Bandera

Bimby sinigawan, pinagalitan ni James Yap habang nag-uusap sa cellphone

Cristy Fermin |June 10,2018
facebook
share this

Bimby sinigawan, pinagalitan ni James Yap habang nag-uusap sa cellphone

Cristy Fermin - June 10, 2018 - 12:20 AM

JAMES YAP AT BIMBY

SA tanong namin kay Kris Aquino sa aming eksklusibong panayam sa kanya sa “Cristy Ferminute” (92.3 News FM-Aksyon TV 41) tungkol sa ama ng kanyang anak na si James Yap ay ayaw na sana niyang magsalita nu’ng una.

Pero kapado namin ang pagbabagu-bago ng takbo ng isip ng aktres-TV host, sa isang iglap lang ay hindi ang kanyang sagot, pero maya-maya lang ay oo na.

Sige, sabi niya, magkukuwento na siya kung bakit ilang beses siyang nagwala dahil sa ama ni Bimby. Maraming sangkot na insidente sa kanyang paglalahad.

Nu’ng parangalan daw si Bimby para sa pelikulang ginawa nito bilang best child performer ay siya ang gumawa ng speech ng kanyang bunso.

Isinama niya sa paghahandugan ng award si James dahil bali-baligtarin man ang mundo ay ama ito ni Bimby. Saka para wala nang isyu pa.

Nag-usap daw ang mag-ama sa telepono na narinig ng yaya ni Bimby at ng kanyang assistant na si Alvin dahil naka-speaker phone.

Nagpasalamat siguro ang basketbolista sa pagsasama sa kanya ni Bimby sa acceptance speech ng bata.

Ang sagot ni Bimby sa kanyang ama, “You shouldn’t be thanking me. You should thank mama because she was the one who told me to say thank you to you.”

Nagalit daw si James kay Bimby, sinigawan nito ang bata, dahil bakit daw ito tinuturuang magpasalamat kay Kris?

Dahil nga bakit daw niya tinuturuan ang father niya na pasalamatan ako? E, sumagot ang bata, ‘Because if I have my way, I wouldn’t say thank you to you because you cheated on my mom!’ Edited pa ang mga words ni Bimby, I’m telling you,” pahayag ni Kris.

Pero dahil nakiusap daw sa kanya si Michela Cazzola ay hindi na niya pinalaki pa ang kuwento, pinigilan niya ang kanyang bibig, pero wala siyang maitatago kay Bimby dahil napanood ng bata sa You Tube kung paano siya siraan ni James.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

(Marami pang kuwento. Bukas uli ang kasunod.)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending