Horoscope, June 07, 2018 | Bandera

Horoscope, June 07, 2018

Madam Sophia |June 07,2018
facebook
share this

Horoscope, June 07, 2018

Madam Sophia - June 07, 2018 - 01:58 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Ituloy mo lang ang iyong binabalak, wag matakot. Gagabayan ka ng planetang Mercury at Neptune – may mga paglalakbay na mabubuksan at maligayang pag-ibig ang mararanasan. Mapalad ang 7, 16, 25, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tam-Tam-Kale-Varam.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi dapat magpadaig sa iba. Palaguin ang iyong kabuhayan sa pamamagitan ng mga negosyong may kaugnayan sa init at apoy. Sa pag-big, walang duda, isang Sagittarius ang magbibigay sa iyo ng suwerte at ligaya. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Pink at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Tularan mo ang mga bulaklak – maganda! Kapag laging maganda ang iniisip gaganda rin ang iyong kapalaran. Pagandahin ang silid upang makaranas ng masarap na romansa. Mapalad ang 6, 12, 22, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Ajanan-Om.” Green at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Solidong desisyon ang dapat. Mas kikita ka ng malaking halaga kung hindi magpapabago-bago ng isip. Wag panghawakan ang emosyon, talino at rason ang pairalin upang masungkit ang tagumpay at ligaya. Mapalad ang 8, 19, 22, 29, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Om”. Maroon at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag tutularan ang alimango, susulong-aatras at kung saan-saan pumupunta. Isa lang ang dapat mong puntahan – ang pagyaman. Magagawa mo sa tulong ng isang Capricorn. Sa pag-ibig, sa isang Sacorpio ka makakasumpong ng ligaya. Mapalad ang 2, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August22) — Sun ang iyong ruling planet. Kaya nga sa ayaw at sa gusto mo tiyak na sisikat ka. Simulan na ngayong lumabas ng bahay, upang masikatan ka ng araw. Sa pag-ibig kapag nagsuot ka ng kulay na golden yellow, kusang lalakas ang iyong karisma at suwerte. Mapalad ang 8, 23, 31, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Om-Kapor.” Bukod sa yellow ang orange ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Walang Virgo na bigo! Kaya siguradong magtatagumpay ka, ang mahalaga lagi kang gumamit ng numerong 5, 14, 23, at lahat ng numerong may sumatotal na 5. Sa pag-ibig isang Libra ang magbibigay sa iyo ng kakaibang sarap. Mapalad ang 7, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Green at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Timbangan ang iyong simbolo dahil madalas na nagpapabago-bago ang iyong isipan. Ang dapat magdesisyon ka ng solido. Sa ganyang paraan, mas madali kang uunlad at habang buhay na magiging maligaya. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath-Om.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Galit ang magpapahamak sa iyo. Batiin ang bawat araw ng may pag-ibig at pagmamahal sa iyong puso. At mas mainam ding iwasan ang intriga at pakikipagtalo. Sa ganyang paraan, maraming mga biyaya at pag papala ang kusang darating sa iyo. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Jupiter ang iyong ruling planet. Ibig sabihin, sa lahat ng bagay, lalo na sa pakikipagsapalaran nakalaan na sa iyo ang malaking tagumpay. Sa pangingibang bansa makakasumpong ng pag-unlad at kakaibang ligaya. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Malupit ang kapalaran, aapihin ka muna bago ka lubusang lumigaya at magtagumpay. Ihanda ang sarili sa malaking labanan, dahil pagkatapos ng mga pagsubok at mga tiisin sa buhay isang malaking tagumpay ang sadyang sa iyo ay nakalaan. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — May topak ang mga Aquarius kaya bihira sa kanila ang lumiligaya sa larangan ng pag-ibig, unless o maliban na lang makatagpo ka ng isang Gemini, na sobrang tahimik at walang kakibo-kibo – siya ang magtitiyaga sa iyo. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Orange at apple green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kailangan ka munang mabigo ng isang beses, upang sa ikalawang pagkakataon magtagumpay ka na. Tandaan ang sikreto ng iyong kapalaran: “Tuwing ikalawang pagtatangka, malaking pag-unlad at kaligayahan ang kusa mong mapapala.” Mapalad ang 2, 7, 19, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya-Om.” Silver at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending