Liza todo na ang pagte-training para sa ‘Darna’ | Bandera

Liza todo na ang pagte-training para sa ‘Darna’

Reggee Bonoan |June 07,2018
facebook
share this

Liza todo na ang pagte-training para sa ‘Darna’

Reggee Bonoan - June 07, 2018 - 12:05 AM

LIZA SOBERANO

SA ipinakitang episode ng Bagani nitong Martes ay nagkita na sina Lakas (Enrique Gil) at Ganda (Liza Soberano) sa mundo ng Sa Dako Pa Roon na ayon sa kalaban nila ay puwede silang magmahalan sa nasabing mundo, pero hindi mangyayari sa Sansinukob.

Nagpaplano pa sanang tumakas ang dalawa para bumalik na sa Sansinukob pero hindi nila magawa dahil hindi sila pinakakaawalan na ang hula namin ay si Sarimaw ang may kagagawan nito para hindi mabuo ang mga Bagani.

Samantala, hindi tuluy-tuloy ang shooting ng pelikulang “Darna” ni Liza dahil bukod sa taping nito para sa Bagani ay nagte-training din ang dalaga, kabilang na ang boxing, planking at rope exercise.

Nakita namin ang litrato ni Liza sa Instagram kung saan nakapang-boxing attire siya na may caption na, “If it doesn’t challenge you, it won’t change you.”

Ayon sa direktor ng “Darna” na si Erik Matti sadyang matitindi ang training na pagdadaanan ni Liza dahil matitindi rin ang stunts ang gagawin niya sa pelikula. Bagama’t may dobol, ayon sa aktres ay hangga’t kaya niya ay siya mismo ang gagawa ng mga delikadong eksena.

As of now ay nasa 25% palang ang nakukunang mga eksena sa “Darna” sabi ng isang ABS-CBN insider. Kailan naman kaya iaanunsyo ng Star Cinema ang iba pang celebrities na makakasama ni Liza sa bagong version ng “Darna?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending