Erich walang reklamo kahit hirap na hirap sa ‘TBS’ | Bandera

Erich walang reklamo kahit hirap na hirap sa ‘TBS’

|June 07,2018
facebook
share this

Erich walang reklamo kahit hirap na hirap sa ‘TBS’

- June 07, 2018 - 12:01 AM

ERICH GONZALES

WALA nang makakapigil pa sa naglalagablab na galit ni Erika (Erich Gonzales) dahil handa na siyang lumaban sa kakambal niyang si Agatha upang mabawi ang kanyang anak at maisiwalat ang lahat ng pagtataksil ng kapatid sa The Blood Sisters.

Muli na ngang nagkrus ang landas ng dalawa matapos dumalaw ang una sa burol ng anak ng huli.

Ngunit hindi tinaggap ni Erika ang pakikiramay ni Agatha at buong tapang na kinompronta ang kapatid para sa matagal nitong pagtatago at posibleng pakikipagsabwatan niya sa Paraiso, ang grupong dumukot sa anak ni Erika.

Pero sa kabila nito, nagawa pa rin ni Agatha na paikutin ang lahat sa pagkukunwaring may malasakit siya sa pagkawala ng pamangkin at panunumbat na isinakripisyo niya rin ang sarili para sa kanyang pamilya.

Gabi-gabing subaybayan ang The Blood Sisters sa ABS-CBN Primetime Bida.

In fairness, maraming pumupuri kay Erich dahil sa napakahusay na akting niya sa teleserye.

Saludo rin sa kanya ang kanyang co-stars at production dahil kahit napakahirap ng triplets role ay wala siyang reklamo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending