Suspek sa Bohol mayor slay patay sa police ops | Bandera

Suspek sa Bohol mayor slay patay sa police ops

John Roson |June 06,2018
facebook
share this

Suspek sa Bohol mayor slay patay sa police ops

John Roson - June 06, 2018 - 06:53 PM

NAPATAY ang isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Mayor Ronald Lowell Genson Tirol, ng Buenavista, Bohol, nang makipagbarilan umano sa mga pulis na dadakip sa kanya sa bayan ng Danao, Miyerkules ng umaga.

Nasawi si Emigdio Aparece, 22, residente ng Brgy. Puting Bato, Buenavista, sabi ni Supt. Reyman Tolentin, tagapagsalita ng Central Visayas regional police.

Isinagawa ng mga elemento ng Provincial Mobile Force Company, Intelligence Branch, at Danao Police ang operasyon sa isang farm sa Sitio Sta. Ana, Brgy. Concepcion, pasado alas-2.

Inilunsad ito mahigit isang linggo lang matapos pagbabarilin at mapatay ng apat na kalalakihan si Tirol sa sabungan sa Brgy. Asinan, Buenavista, noong Mayo 27.

Pinaputukan ni Aparece ang mga operatiba nang mapansin ang mga ito, kaya gumanti ang mga pulis, ani Tolentin.

Narekober sa pinangyarihan ang isang granada, kalibre-.45 pistola na may walo pang bala, mga basyo, slug, isang cellphone, at belt bag na may improvised holster.

Dinampot din ng mga operatiba si Bernido Betago, ang may-ari ng farm house, para sa pagtatago ng isang taong pinaghahanap ng batas, ani Tolentin.

Nakatakas ang kasama ni Betago na si Jerson Socorin, isa ring residente ng Buenavista.

Ipinasusuri na sa Provincial Crime Laboratory ang nasamsam na baril para malaman kung nagamit ito sa iba pang krimen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending